40

7 1 0
                                    

AMBER'S POV

Goodmorning nga talaga sa akin. Bukod sa sakto ang tulog ko, may libre pa akong ride papuntang school, courtesy of my Kuya na nagpapadagdag na naman ng kapogian para kay Val.

Buti pa yung jowa hinahatid eh, samantalang yung kapatid, tamang commute lang.

"Oy Amber, sana sinabayan mo nalang si Billy. Ngumangawa pa naman yun kanina kasi siya lang daw mag-isa sa byahe, alam mo naman yun, bagong kuha ng kotse, naninibago." pangbungad sa akin ni Val nang pumasok ako sa likuran ng kotse.

"Ayoko, hindi kami bati ng kakambal mo." hindi ko pa rin kasi siya maintindihan sa papili-pili na yun. Alam naman niya na lahat ng taong malapit sa akin ay importante, equally important.

"Eh ano bang bago? Away-bati naman talaga kayo. Naku mamimiss mo ang away ninyo kapag umalis yun." what was that again? 

"Anong aalis?" I can sense Valerie tensing up.

She can never, ever shut her mouth. 

"Ano, kapag alam mo na. Kapag gragraduate na tayo, tapos working na, so like hindi naman habangbuhay na magiging magkasama tayo, di ba? Aalis siya, o baka ikaw ang aalis, o baka ako, ganun." ganun lang ba? Akala ko na kung ano.

"Sira! Even if magkahiwalay tayo ng landas, we will still have a time to be near each other, kahit isang araw lang. Hindi ko kayang tuluyan kayong mawala no. At isa pa, matagal pa bago tayo gumadruate, kaya kayong magkambal, you are stuck with me." natawa lang siya kaya tumawa nalang din ako.

Yes, I'll stuck those two with me. We started as a trio, we will end as a trio.

"Love!" hayyy, umagang-umaga.

"Gagalet na naman oh." Eh araw-araw ba naman akong inaabangan sa gate. Tapos pasigaw pang tumatawag eh kaharap lang naman ako.

"Eh kasi po ang extra mo everyday." Sabi ko sa kanya sabay irap.

Natawa lang ang loko at agad na dinaganan ako.

"TANGINANG HAYUP KA!" at tawang-tawa lang po siya pati si Valerie na hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na.

"So ano? Mamatay kayo sa kakatawa!" Punyemas. Good yung morning ko ehhhh!

"Oo na sorry na. Maiyak ka na jan eh." Real talk lang talaga, ang sarap hambalusin ni Anton.

Gumagaya kay Billy ampota. Nasasarapan na rin sa away-bati, gagong 'to.

"Pasok na nga lang tayo, sakit niyo sa ulo." Sabi ni Valerie sabay akbay sa akin.

Naglalakad na kami papapunta sa room nang nakita ko si Billy sa hallway.

Haaay, sabi ko sa inyo eh, magbabati din agad kami.

"Hey Bing!" He waved at me kaya I waved back. Buti naman behave si Anton ngayon at sumama na kay Valerie na nauna nang pumasok. Akala ko magpapatayan na naman yung dalawang yun.

"About yesterday, I'm sorry. I should have not let you choose. Kilala naman kita, you can't choose kasi we are equally important di ba? Na kahit sino man ang umalis sa aming dalawa ni Anton, magiging malungkot ka?" Here we go again with people going and leaving.

Ito ba usong topic ngayon? Kanina lang din si Val yung nag open up tapos ngayon naman, si Billy na. Kapag talaga may isa pang magsasabi tungkol sa paalis-alis na yan, kokonyatan ko na talaga.

"Weird ninyong magkambal, puro pag-alis sinasabi ninyo. But yes, you are right. I can't lose you, Val, and even if I can't believe I am saying this, but I can't lose Anton too. Pati si David isama na natin. You guys have been my friends, and knowing me, I don't make friends, kaya sobrang importante ninyo sa akin. And if one of you goes, it will break my heart." Sincere kong saad kay Bill. Nakikinig naman siya.

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon