AMBER'S POV
Ngayon ang laro ng basketball team at ang contest ng cheerleading squad.
Sa school namin gaganapin ang event. Kaya dapat kami manalo, aba, home court advantage 'to, nakakahiya naman kapag matatalo kami.
Maaga ako sa school kasi Val asked me to come with her, para tulungan siya sa pag-aayos at tagabitbit ng gamit niya. Di ba, di lang ako bestfriend, alalay niya po talaga ako.
"Pansin ko lang, bakit ang sama ng tingin ng mga kasamahan mo sa akin?" Tanong ko kay Val.
She looked at her team at binulungan ako pabalik. "Syempre, leader nila si Akisha, and she hates you, kaya they hate you na rin. Pero don't worry, love naman kita." She winked at me at nagsimula na siyang mag stretching.
Lumabas muna ako sa locker room para bumili ng maiinom para kay Val, at para sa akin na rin.
I was walking nang nakasalubong ko si Billy.
It's been two days since nung aminan.
I guess I could not avoid him forever. Baka panahon na rin para kausapin ko siya. Para pag-usapan namin ang nangyari.
Pero nagulat ako na imbis lapitan niya ako at kausapin, he walked right past me.
"Hoy! Bill!" he looked at me na para bang naiinip siya.
"Ano ba problema mo?" why is he avoiding me? Akala ko ba gusto niya ako?
"I'm just busy. Ano ba kailangan mo?" I just stared at him.
Hello! Nakalimutan ba niya ang ginawa niyang pag-amin sa akin? Why is he like this?
"Sorry. Sige na, alis ka na." Naglakad nalang ako papalayo sa kanya.
What is wrong with him? Galit kaya 'yon sa akin? May nagawa ba ako? Eh ngayon nga lang kami nag-usap ulit.
Bumili nalang ako ng tubig at naglakad na pabalik sa gym. I was about to get inside the locker room nang bigla akong harangin ng mga cheerleaders.
"Cheerleaders lang nakakapasok dito." Pagsasalita nung isa.
I raised my PASS. "Alam ko, but since I have this PASS, I can." Papasok na sana ako pero hinatak ako nung isang babae.
"You really are something else. Una, si Anton binangga mo. Tapos malalaman namin na pati crush ni Akisha, gusto mo." Teka teka teka.
Anong pinagsasasabi nitong isang 'to?
BINABASA MO ANG
Love, Hurt and All the Feelings in Between
RomanceTatlong lalaki, isang babae. May playboy, may frenemy at may loverboy. Iba'iba man ang personalidad nila, iisa lang ang hangad nila, at ito ay ang makuha ang genius na si Amber Kate Millan. Sa kwentong ito, hindi lang puso ang nakataya. Feelings ar...