DAVID'S POV
"Good afternoon po." I happily greeted Amber's mom, dad and brother, plus si Valerie.
Nasa kanila ako ngayon, at kasalukuyang hinihintay si Amber. May PLS pa kasi siya kaya late siya parating umuuwi. Well, ako naman. I have all the time in the world lalong-lalo na if it means to make Amber happy.
"Bakit ka naparito, iho?" tanong sa akin ng tatay ni Amber habang inaabutan ako ng juice. Nasa sala nila kami and all of them are sitting in front me.
Para akong nasa korte sa eksenang ito.
"Gusto ko lang po sanang magpaalam. Kung pwede po sana, yayayain ko po si Amber kumain sa labas."
"So, mag dedate kayo? 'Yon ba yun?" deretsong tanong sa akin ng Kuya niya.
Tumango naman ako.
Old school na kung old school pero di ba, mas maganda at mas proper kung manghihingi ako ng permiso sa mga magulang niya bago ako magpadalos-dalos? It is very much needed to build a good rapport sa pamilya ng taong gusto mo para maiwasan ang gulo in the future. Mas mabuti rin na alam mo kung saan nanggaling at kung anong klaseng pamilya ang kailangan mong pakisamahan kung sakaling magiging kayo ng taong gusto mo.
"Well. it's fine with me. Basta umuwi kayo before 10PM." sabat naman ng mom ni Amber.
"Bakit 10 na po? Di ba dapat 8?" tanong naman ni Valerie. Valerie naman, pagbigyan mo na ako.
"It's late. Anong klaseng date ang magagawa ng isang oras lang. Amber will arrive here at 6 kasi may PLS." tumango naman si Valerie at tiningnan ako ng maigi.
"You better treat my bestfriend right, David. Hindi ko pa nakakalimutan na ikaw ang pumalit sa akin bilang 'knight in a shining armor' niya. And, mas boto pa rin ako sa kakambal ko kahit siraulo 'yon." napatingin kaming lahat kay Valerie.
What is she talking about?
"Kambal mo? You mean, Bill?" tanong ng Mom ni Amber kay Valerie.
Si Valerie naman, ngumisi lang at tiningnan ang Kuya ni Amber para bang nanghihingi ng tulong.
"Look, Tita, Pa, it's not a big deal. Tinigil na rin naman ni Billy bago pa siya nagsimula." so totoo nga. Billy likes Amber.
"Okay, anong ibig sabihin ng pahayag mo?" tanong ni Tita sa Kuya ni Amber.
Okay, feeling ko hindi dapat ako nandito. I think this is a family matter.
"Ahhh, sige po. Uuwi po muna ako para magpalit at maghanda. Salamat po." Pagpapaalam ko sa kanila.
Bakit naman ako magtataka kung nagustuhan din ni Billy si Amber. Eh sa ilang taon ba namang pagsasama nila, at sa ugaling meron si Amber, paniguradong sapul na sapul si Billy kay Amber.
Basta ako, I'll do everything to make Amber see na seryoso ako sa kanya. Na hinding-hindi ko siya iiwan. Masasaktan ko man siya, gagawin ko ang lahat para pawiin 'yon.
AMBER'S POV
When I arrived home, nasa sala silang lahat. Si Mama, si Dad at si Kuya.
Nagmano ako at agad akong pinaupo ni Papa sa harapan nila.
"May problema ho ba?" Tanong ko. Sa pagkakaaalam ko kasi, wala naman akong nagawang kasalanan.

BINABASA MO ANG
Love, Hurt and All the Feelings in Between
RomanceTatlong lalaki, isang babae. May playboy, may frenemy at may loverboy. Iba'iba man ang personalidad nila, iisa lang ang hangad nila, at ito ay ang makuha ang genius na si Amber Kate Millan. Sa kwentong ito, hindi lang puso ang nakataya. Feelings ar...