AMBER'S POV
"Alam mo Val, 'di ko na talaga maintindihan 'yang kapatid mo." kwento ko kay Val na ngayon ay nasa bahay na naman. Simula nung nagka something sila ni Kuya, ginawa na nilang dating venue 'tong bahay namin.
"Kahit nga ako hindi ko na rin siya maintindiha. He does not tell me anything." pareho nalang kaming napabuntong hininga.
"Oh, ano na naman pinag-uusapan ninyo?" sabat ni Kuya na kakabalik lang galing sa kusina para kuhanan kami ng makakain.
"Sino pa ba?" sagot naman ni Val sa kanya na ngayon ay nakakandong na sa Kuya ko.
"Geez. Mahiya naman kayong dalawa sa akin." komento ko. Ang PDA eh. Sa harap ko pa talaga. Eh ang awkward kaya, kuya ko tapos best friend ko makikita kong sobrang sweet, talagang ew.
"Basta Berry, the bestest way is to talk to him. Kahit na hindi siya magsalita, kahit na pakiramdam mo hindi siya nakikinig, kausapin mo pa rin siya. Alam naman natin lahat kung gaano ka rin ka importante kay Bill. Iparating mo lang sa kanya ang gusto mong malaman niya, at kapag wala pa ring nangyari, 'di mo na 'yon kasalanan." pagpapaliwanag ni Kuya sa akin.
"OMG! Ang cool mo talaga Drei." at komento naman ni Val. Haynako! 'Di ko na talaga kaya. Aalis nalang ako.
Umakyat na ako sa room ko at pinag-isipan ang sinabi ni Kuya sa akin. I know he's right. Alam ko a 'yon ang tamang gawin, pero 'di ko magawa. I'm still hoping na sa paraan namin ni Anton, kausapin na ulit ako ni Billy, kagaya nang kahapon. Lintek na pride din kasi eh.
BILLY'S POV
Pagkarating ko sa school. Ibang eksena kaagad ang sumalubong sa akin.
Si David at Anton na nag-aagawan kung sino ang magdadala ng bag ni Amber. They just don't know Amber, masyadong maarte 'yan sa gamit niya. Kaya she never lets anyone carry her bag kahit na nahihirapan na siya.
Well, except for me, kasi alam ko kung paano alagaan ang gamit niya. I've been trained to do it, kami lang naman kasi magkasama simula pa bata.
Ang sarap sana magpakitang gilas, pero pigil muna. Muntik na akong mapahamak noong isang araw.
Okay na sana ako, pero 'di ko inaasahan ang sunod na nangyari.
Anton is now holding Amber's bag.
Out of impulse, naglalakad na ako papalapit sa kanila, but someone stopped me.
Paglingon ko, ang kakambal ko ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
Love, Hurt and All the Feelings in Between
Roman d'amourTatlong lalaki, isang babae. May playboy, may frenemy at may loverboy. Iba'iba man ang personalidad nila, iisa lang ang hangad nila, at ito ay ang makuha ang genius na si Amber Kate Millan. Sa kwentong ito, hindi lang puso ang nakataya. Feelings ar...