39

4 1 0
                                        


Nasa favorite place kami ngayon ni Billy. Bigla nalang kasi siyang nag-aya. Hindi ko alam kung ngayon na ba yung oras na sasabihin niya sa akin ang totoo, o isa lang din to sa mga araw na gusto lang maglambing nitong kumag na 'to.


"Gaano na ba katagal simula nung nagkilala tayo, Bing?" I looked at him at napaisip.

Sobrang tagal na nating magkakilala Billy, sa sobrang tagal, hindi ko na alam kung paano ang buhay kung wala ka sa tabi ko, kayo ni Valerie.


"10? 11 years? Hindi ko na alam, basta ang alam ko, I just want you and Val to be forever in my life. I can't live without you guys." pagtatapat ko sa kanya.


Ang lamig lang nang simoy ng hangin ngayon, eh alas syete na rin naman. Tahimik lang si Billy pagkatapos kung sagutin ang tanong niya. May problema ba siya? Hindi kasi ako sanay na ganito siya eh. He is loud, just like me. He loves teasing me, and then making me feel better right after. Pero itong katahimikan niya ngayon, ewan, natatakot ako sa pwedeng mangyari.


"Bill, tell me, are you okay?" tiningnan niya ako at ngumiti, pero iba eh. I know he is not okay. May problema siya pero bakit ayaw niyang sabihin?


"Hypothetical, kung papipiliin kita ngayon na. Kung kunwari nagkasunog sa school, tapos nandun kaming dalawa ni Anton, tapos isa lang maliligtas mo, sino ang pipiliin mo Bing, sino ang ililigtas mo?" seryoso?


"Huy, anong klaseng tanong ba yan. Bakit patayan gusto mo." pag-iiba ko ng topic. 


"Wala lang, curious lang ako. Sino kaya pipiliin mo? Yung taong kay tagala mo nang naksama, o yung taong kararating lang?" Hindi na ako natutuwa.


Why is he making me choose? Hindi ba pwede sila nalang pareho?


"Alam mo, mas mabuti nang wala akong iligtas, kakyamot to, ako na nga babae, ako pa magliligtas sa inyo!" tumayo ako at iniwan siya.


Punyemas. Ang ganda ng simula namin eh, tapos bigla-bigla nalang akong papipiliin. Eh pareho naman ko silang kaibigan. Ayokong mamili.





--~~--






BILLY'S POV



Umalis si Amber, leaving me here, alone.


As always.




Ganun ba kahirap yun? Ganun ba kahirap pumili? Hypothetical lang naman eh. Hindi ko naman sinabi na totohanan na. 

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon