7

186 71 34
                                    

AMBER'S POV

"Anong nangyayari?" JuskoLord. Ibang klase nang kamalasan ang dumarating sa buhay ko. What did I do to deserve this?

"Sasamahan ka." sagot ni Billy.

"I just passed by Amber. Nagkataon lang talaga. Nakita ko kasi silang dalawa na nakaabang sa harap ng bahay mo kaya sumali na rin ako." depensa naman ni David.

"Well, I am picking up the girl I'm currently courting." tumaas yung dugo ko sa narinig ko kay Anton.

Kasasabi ko lang sa kanya nung isang araw na tigilan niya yang feeling niya jan sa panliligaw niya sa akin kasi nga, ayoko sa kanya.

Talaga nga namang hindi enough ang isang salita sa lalaking ito.

"Alam ninyo, gusto ko lang mamuhay ng tahimik. Kaya pwede, mauna na kayo at huwag ninyo akong bwesitin."

Nauna silang maglakad sa akin.

Mabuti nalang at hindi sila mahirap kausap ngayon.

Miss ko na rin kasi ang mga panahong hindi ako nagiging highblood.

Well, hindi naman kasi regular class ngayon.

Supposedly ay wala kaming pasok kasi may event yung school.

But since may Peer Learning session, napilitan kaming pumunta ng school na ganito kaaga.

Pupunta rin ang mga basketball players at ang cheerleading team kasi next week na yung tournament.

Pero David is not part sa PLS (Peer Learning Session), sa basketball team at lalong hindi siya part ng cheerleading team, so why is he here?

"Hey David." huminto silang tatlo sa kalalakad at sabay silang lumingon sa akin.

"So si David na kayong lahat ngayon?" dali dali namang tumalikod ulit yung dalawa and David just looked at me with a bright smile on his face.

"Halika nga dito." dali dali naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko.

"What is it Amber?"

"Ba't ka pupuntang school? Anong gagawin mo dun? Siya nga pala, thanks." sabi ko sabay abot sa notebook niyang Ben10.

Inipitan ko yun ng papel na sinulatan ko nang mga gawa ko.

Yun lang yung paraan na naisip ko para makapag thank you sa kanya.

"I'm gonna have an intermission number sa ginagawang event ng school ngayon."

"Really? Wow! Ngayon ko lang nalaman na gumaganyan ka na pala." amazed kong sabi. Eh never ko pa talaga siya kasing nakita na mag perform.

Balita ko nga na mahilig siya kumanta.

May mga cover nga siya ng mga songs na pinagkakaguluhan sa school, pero I am too busy at wala akong time para makinig ng mga ganyan.

"So, anong gagawin mo?"

"I'm gonna sing a song."

"Really? That's great David." natuwa lang ako ng sobra. Hindi naman masama mag appreciate di ba?

"Maybe you wanna drop by. Maganda yung song na kakantahin ko."

"Sure."

Nauna na ulit na naglakad si David.

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon