AMBER'S POV
Kanina pa ako dito sa library pero ngayon pa dumating si Anton.
Talagang wala siyang pakealam sa mga taong napwepwerwisyo niya.
"Bakit ka late? Ganito ka rin ba sa mga date mo?" Inis kong tanong.
Feeling ko may sumusunod na sa yapak ni Billy eh. May tao na namang magdadala ng bwesit sa buhay ko.
People are slowly testing me and my patience.
"Maaga ako sa mga babaeng dinidate ko. And because this is not a date, anong dahilan ko para maging maaga sa pagkikitang toh? Pwede ba, sobra na ang iilang hours of discussion, you cannot expect me to be early para na naman sa dalawa pang oras na tutorial session!"
"Can you just be considerate. Hindi lang oras mo nasasayang. Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa nagagalit."
Talaga bang ganyan siya ka babaw at sarili lang niya ang iniisip niya? Sana pala, nagtayo nalang siya ng sarili niyang paaralan.
"You don't get to tell me what to do. At mas lalong wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin. I did not ask for this."
"Pero Dad mo nag request." haynaku.
Siguro nung nagpasabog si Lord ng kagandahang loob na trap sa kweba si Anton, mukhang wala talagang nasalo eh.
"Eh di Daddy ko turuan mo. Problema ba yun?"
"Ewan ko sayo. Mag-usap nalang tayo kapag ready ka nang makinig." Tumayo ako and fixed my things sa bag ko.
"Hinding-hindi ako magkakainteres sa bagay na ito. Kaya you go tell my Dad na itigil na ito."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Sana pala simula pa lang hindi ka na nag-aral. Nagsasayang ka lang ng panahon mo dito. Baka sakaling may magawa kang tama sa labas!"
"Don't act na kilala mo ako. You have no idea sa pinagdadaanan ko!"
"Pwes, kung ano man yang pinagdadaanan mo, huwag mong hayaang makaapekto yan sa kinabukasan mo. Alam mo Anton, problems can be solved. Things can be forgotten kung gugustuhin mo. Yang mga pinagdadaanan mo, dinadaanan lang yan. You don't have to stay there, just let it pass. Dwelling and overthinking jan sa lintek na pinagdadaanan mo wouldn't do you any better. Kaya piece of advice lang, whatever you are going through right now, just don't mind it. Ipagpatuloy mo buhay mo. Sayang lang if you wouldn't live your life."
Oo, alam kung ang dami kong sinabi pero kasi naiinis ako sa linyang yan. Naiinis ako sa inaasta niya. I just find him so annoying. Na frufrustrate ako sa buong pagkatao niya.
Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, eh bakit, alam rin ba niya ang pinagdadaanan ko?
Akala kasi nila, sila lang ang may problema, sila lang ang may pinagdadaanan.
Pwede ba, hindi lang sila ang taong may problema. Everyone has one.
"Kung makapagsalita ka talaga parang feeling mo marunong ka na sa lahat ng bagay. Amber, hindi uubra ang puro talino lang. Maging practical ka."
Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Ginagago yata ako eh.
Be practical daw? Eh sino ba itong hindi maka move on sa pinagdadaanan niya?
Kung gusto niyang maging practical tayo, then he should move on.
The world wouldn't stop turning dahil lang na stuck ka pa sa pinagdadaanan mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/53465367-288-k648327.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Hurt and All the Feelings in Between
عاطفيةTatlong lalaki, isang babae. May playboy, may frenemy at may loverboy. Iba'iba man ang personalidad nila, iisa lang ang hangad nila, at ito ay ang makuha ang genius na si Amber Kate Millan. Sa kwentong ito, hindi lang puso ang nakataya. Feelings ar...