12

141 62 21
                                    

AMBER'S POV


Nagising ako sa katok ng pinto.

Sa iyakan namin kagabi, medyo late na ako nakatulog, kaya hindi tuloy ako nakagising ng maaga para iwasan ang mga tao sa loob ng bahay na ito.

As much as I wanted to forgive them and to listen to everything that they are going to say, mas gusto kong huwag na muna.

Bumangon na ako at binuksan ang pintuan. As expected, si Kuya ang bumungad sa akin.

"Anong oras ba pasok mo? Halika na sa baba, breakfast is ready." He smiled at me.

At kahit ako, gusto ko na ring ngitian siya. But I chose not to.

Bumaba ako at nakita ko agad si Mom na hinahanda ang mga pagkain sa mesa. Nilapitan ko muna siya at hinalikan sa pisngi bago umupo sa upuan ko.

Hindi ko maiwasang tingnan si Dad, alam kong nasasaktan siya sa ginawa ko, at salbahe man na pakinggan, I liked seeing him that way.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Alam kong matagal ko nang gusto mangyari ito, for my family to be complete. Pero habang nakikita ko sila, nasasaktan ako.

Everytime I see them, parang gusto ko nalang umiyak at ipakita sa kanila kung gaano ako ka miserable noong iniwan nila ako.

"So anak, maaga ka ba uuwi ngayon?"

"Before 8PM nasa bahay na si Amber. Takot yan sa curfew eh." Alam kong pilit na pinapagaan ni Mommy ang atmosphere dito, pero hindi ko lang talaga kaya makipagplastikan.

Hindi porket naiyak ako kagabi at hinayaan ko silang icomfort ako, okay na kami.

I still have to hear them and try, as in try talaga, susubukan kong intindihin sila.

And I want to do it as soon as possible. Gustong-gusto ko na maging okay na kami, pero ewan ko ba, hindi yata nakikipag-cooperate ang utak ko sa puso ko.

My heart wants peace but my mind refuses to give it.

At kilala niyo ako, I choose my head over my heart. Ipapahamak lang kasi tayo ng puso natin. Everytime we choose to follow it, may masamang nangyayari.

"So, pwede tayong mag mall Berry. Gusto mo ba? Ipasyal mo naman kami."

"Parati akong busy, sorry." Tipid ko namang sagot.

"Oo, busy talaga yan si Amber. Eh ang sipag kasi niyang mag-aral."

Hindi ko na ata kaya. Gusto ko nang mawala sa lugar na ito.

"Mauna na ako, akyat na ako sa kwarto kasi dapat maaga ako sa school ngayon. May activity kasi. Excuse me."

At kahit gutom pa ako, kinaya ko nalang.

Agad akong umakyat sa kwarto, naligo, nagbihis at umalis na.


"Oy Bing!" Agad na sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Billy.

"Bakit napapadalas ata ang pagiging maaga mo dito? Miss mo ako no?"

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon