16

128 59 23
                                    


AMBER'S POV


Everything went smoothly before nag PLS. 


Pumasok lang ako ng class at hindi pinansin si David. In return, di nalang din naman siya nagpapansin. And I am glad na hindi pa kami nagkasalubong ni Billy kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nangyari yun.


At hindi ko pa sinabi kay Val ang nangyari. I don't want her to make everything more complicated.


Alam kong hindi tama, pero ito lang naiisip ko eh. Ang umiwas.


I admit, everytime na may problema ako, mas gusto ko talagang umiwas. Kagaya noon, I kept avoiding my Mom para wala ng gulo, and then when my brother and Dad arrived, pinili ko ring iwasan sila, and now, I am avoiding Billy and David. 


Alam ko naman talagang mali, pero hindi ko pa lang kasi alam ang gagawin kapag magkasalubong kami. Ayokong mapapatunganga lang ako. 



"Hey, love!" napatingin ako sa direskyon ni Anton. For the first time, naging maaga siya sa session namin. Tapos na rin kasi ang class namin kaya magsisimula na ang PLS. 


I sat beside him and looked around to see kung nandito na rin si Billy.


Well, wala pa siya. Baka may ginagawa pa.



"Excuse me, sino bang hinahanap mo? Nandito ako, love." sinamaan ko lang siya ng tingin. 


He really knows how to annoy me.


"So ano na, love? Tutunganga lang ba tayo?" inirapan ko lang siya at sinimulan ng kunin ang mga exam papers na inihanda ko para sa kanya.


Well, I find this set up useless. Kasi di ba, Anton is not dumb. Nasasayang lang ang oras namin pareho. May ibang tao pa na mas nangangailang ng tulong ko. And if Anton would just go all out sa katalinuhan niya, he would be able to help as well. Kaso, gago 'to eh. I don't even know why he is hiding his intelligence.



"Ayan, sagutan mo yan." he just smirked at me at hindi nag-atubiling sagutan ang mga exam papers na binigay ko.


Hindi ko mapigilang tingnan ang pintuan, may hinihintay ba ako? Kahit ako hindi alam kung bakit 'to ginagawa.



"You look distracted." napalingon ako kay Anton na nakayuko at sinasagutan ang mga test paper.


"You can tell me, Amber." tumingala siya at inabot sa akin ang exam papers. 


"Since tapos na ako, we can go somewhere. Talk to me." sumang-ayon ako sa kanya kaya pagkatapos kong magligpit, umalis na agad kami.


Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon