36

4 2 0
                                    

AMBER'S POV


Parang mali talaga 'tong desisyon ko eh. Nastrestress nalang ako dito. Ang dami ko na ngang pinoproblema, dumagdag pa 'tong mga kupal na 'to.

I am doubling my effort kasi para mabawi ko yung binagsak kong rank. I need to be on top again.



Kasalukuyan kaming nasa PLS. At ang dalawang 'to, ang sama ng tingin sa isa't isa.

Alam ko naman na hindi talaga sila magkasundo, pero parang mas lalong lumala ang tensyon na namamagitan sa kanila.

"Hoy seryoso talaga kayo? Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, kanina pa kayo nasa morgue." pag-aawat ko sa dalawa.

"Sabihan mo kasi 'yang kaibigan mong 'yan na huwag tumitig ng ganyan sa future boyfriend mo." pang-iinis ni Anton. Umirap lang ako at nagsimula nang ihanda ang mga kakailanganin ko para sa PLS.

Guess what, wala ata talaga akong kawala kay Anton. Of course, he begged his dad to let me tutor him again and promised na magiging seryoso na siya. Eh kasi okay naman na kami, pumayag nalang din ako. At isa pa, we have decided to help each other out nalang. Matalino naman si Anton and I hate to admit it, pero may mga bagay talaga na mas may alam siya sa akin, kaya napagkasunduan namin na turuan nalang ang isa't isa kapag may mga lesson na hindi namin makuha. Tutal magkasama naman kami sa PLS, eh lubusin na namin.

Billy, on the other hand, decided to stop tutoring kasi may pinagkakaabalahan siyang iba ngayon. Hindi pa nga talaga namin napag-uusapan kung ano talaga yung bagay na ikinabusy niya. But since Anton is there naman, okay lang na hindi ko muna kasabay mag-aral si Bill. Noon kasi, study buddy ko 'yan, actually kaming tatlo ni Val.  Pero simula nung PLS nag-iba na kasi medyo busy kami sa kanya-kanyang tutee. Pero hoping pa rin naman ako na pagkatapos ni Billy sa inaasikaso niya, he can be my study buddy again, mas sanay kasi akong siya ang kasama, mas magaling din ako sa kanya eh, kay mas enjoy ako hahahahaha.

"Ang hangin naman masyado nang tutee mo Bing, bobo naman." pagsumbat din ni Billy. 'Tong isang 'to, pumunta lang din talaga dito para mambwesit. 



"Pwede ba, tama na. Iwanan ko kayong dalawa dito eh." galit na sambit ko. 

Bukod kasi sa naaalibadbaran na ako sa dalawang 'to at nagiging awkward na rin para sa akin, I have been receiving death glares from Akisha and other girls in and outside this classroom.

Sanay na naman ako, ganito na kasi 'tong mga babaeng 'to simula nung nalaman nila na nanliligaw na si Anton sa akin. I have heard a lot of fake news, pero dinedma ko nalang. Ayoko nang patulan ang mga taong walang ibang alam kundi ang magpalaganap ng mga hindi makatotohanang chismis. Sayang lang sa oras pag ganun.



"Sige na nga, aalis na muna ako Bing. Alam mo na, busy ako ngayon eh." pagpapalaam ni Billy sabay kindat sa akin. Natawa nalang ako at kumaway na rin.

Nagulat nalang ako bigla nang nagsalita si Anton. 

"Nanliligaw din ba talaga si Billy sa'yo? Eh so nalalaman ko, hindi pa siya officially na nagsasabing nanliligaw siya." pagpapahayag ni Anton.

Sa totoo lang, hindi ko rin naman talaga alam kung nanliligaw na ba si Bill. Sapat na bang sinabi niya na gusto niya ako para masabi kong nanliligaw na siya?

"That, I don't really know. Kakausapin ko--.."

"Nope. Do not ask him. Siya dapat ang magsabi sa'yo nun." he winked at me at nagsimula nang sagutan ang papel na hawak niya. 

I just smiled even though he could not see it.

He actually has a point, dapat si Billy mismo magsabi sa akin. Hindi yung ako pa magtatanong. Or did he tell me already? At ako lang 'tong dense? Ay ewan, maybe I should ask the person who knows so much about these kinds of stuff.


















"Seryoso Bing? You are asking me that?" nasa kwarto kaming dalawa ni Val. As usual, tambay na naman dito eh lumalandi lang naman kay Kuya.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Sugurin si Billy at magtanong? Asan na ilalagay pride ko niyan." pagrereklamo ko sa kanya.

"Gahd! Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin. What I am telling is, sobrang obvious na nga na gusto ka nung tao. Malamang nanliligaw yun." pagalit na sambit ni Valerie sa akin.

"Pero di ba mas malinaw kung sasabihin niya talaga? How can I say yes kung hindi niya naman hinihingi sa akin." biglang namilog ang mga mata ni Val at tinakpan ang bibig niya.

"Are you planning on saying yes to Billy?" gulat na tanong niya sa akin. Kaya nahampas ko tuloy siya ng unan.

'Tong isang 'to, kung saan umaabot ang imagination eh.



"Tanga, hypothetical lang. I was just proving my point na dapat he should formally tell me if he is courting me, para naman kapag kunwari, dumating ang panahon na ready na ako, I can give him an answer." pag-eexplain ko sa side ko. 

Tumango naman si Val, I hope she gets me.



"Tama ka nga. Actions can sometimes be not enough. You have to make her know, sometimes you have to make her hear and not just feel it right? Hindi din naman pwedeng puro nalang tayo pasweet, pero hindi natin masabi na mahal natin ang isang tao, di ba? Kaya Bing, do not worry, 'yan ang una kong sasabihin kay Billy pag-uwi ko." umiling ako and Val questioningly looked at me.

"Ano?" tanong niya sa akin.

"I don't want you to tell him, Val. I want him to realize it himself. Matalino si Billy, he is very OC about simple details. Maybe him not telling his real intention means something." or not.

Tumango naman si Val at nagpaalam na. If I know, kanina pa yun atat na atat na lumabas ng kwarto ko para makita na naman si Kuya.

Minsan talaga hindi ko na alam kung ako ba talaga ipinunta nun dito o si Kuya Andrei eh.

And up until now, I still can't believe that my brother is dating my best friend. Sino ba naman kasing mag-aakala na ang dating kalaro lang namin ni Kuya ang bibihag sa puso niya.

Pero let us be honest, since when did love become obvious, it is always unexpected.



"Anak?" napalingon ako sa pintuan and saw Mommy Cynthia standing just outside my door.

"Mom? Pasok po kayo. May kailangan po ba kayo" tanong ko sa kanya.

She looked extra pretty these past days, siguro ito ang tinatawag nilang BLOOMING. 

"I have something important to tell you." kahit naman hindi mo na sabihin Mom, alam ko naman na. Sa ngiti mo pa lang, alam ko na.

Noon pinangarap mo lang 'tong mangyari, but now, it unexpectedly happened.

"Your dad and I, we are getting married." I jumped and hugged her so tight. I am so happy for her and for Dad. At last, he found the courage to let his feelings for Mama go. He finally gave love a second chance. And as his daughter, I am so happy he ended up with Mommy Cynthia.

As what I always say,







When talking about love, expect the unexpected.



................................

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon