38

7 1 0
                                    


AMBER'S POV

"Bing!" Naglalakad ako papasok ng campus nang may tumawag sa akin.

"Oy Bill!" Huminto ako sa paglalakad at hinintay si Billy na ngayon ay naglalakad-takbo na papunta sa akin.

"Ang aga mo ata ngayon." Sabi niya sa akin nang nakarating na siya.

Okay lang naman siguro na sabihin ko kay Billy kung bakit ako nandito no?

"Nag-aya kasi si Anton na sabay na kami mag breakfast." Sabi ko sa kanya.

I saw his hand clenched. "You can come with us, Bill." Agad kong aya sa kanya.

I don't want him to be hurt. Parati ko nalang kasi nailalagay si Billy sa hindi magandang sitwasyon. Nagawa pa nga niyang magpauto kay Akisha dahil lang sa gusto niya akong protektahan, kaya mas lalong ayaw ko nang masaktan na naman siya ng dahil sa akin.

"Huwag na Bing, I can have my chance next time. Saan ba kayo magkikita? Hatid nalang kita." I want to insist to let him join us pero pinigil ko nalang ang sarili ko, baka rin kasi si Anton naman ang magalit sa akin, and I don't want that jerk get angry again, ang hirap pakisamahan nun kapag galit.

Bill and I ended up walking papunta sa canteen. Medyo malayo pa rin kasi ang canteen sa entrance ng school.

"I heard he spent the weekend sa inyo." Pagbubukas niya ng topic. Tumango lang ako, totoo naman kasi, he stayed there and binge-watched Brooklyn 99 with me since pinili akong iditch ni Kuya.

"He really is serious. Grabi talaga kamandag mo." I heard him laugh, pero alam kong hindi naman talaga siya nasasayahan.

"Ikaw ba, ayaw mo ba pumunta sa amin? Miss ka na rin ni Mommy Cynthia." Pag-aya ko sa kanya. Ayoko talagang naipaparamdam kay Billy ang ganito. Best friends kami and he should be treated as one.

Nanliligaw man o hindi, gusto man ako o hindi, he is still my frenemy, my one and only frenemy.

"Libre ka ba this weekend? Bill-Amber time naman." Pabirong sabi niya.

I nodded.

"Sige, punta ako sa inyo, pero hindi tayo magtatambay lang dun, I want to take you out to a dinner." Dinner? Hindi date?

"Let's play arcade games sa morning, kasi matagal na rin nating hindi nagagawa yun. Then we could go for videoke after kasi alam kong miss mo nang kumanta, the last time we sang, hindi tayo bati nun eh. And then we will end our night sa favorite spot natin." He said those words with a different tone.

Hindi the usual nang-aasar tone, or the excited one. I don't want to give a meaning ng dahil lang sa manner of talking niya, nagiging paranoid ĺang siguro ako.

"Sige ba! Game ako diyan, I miss spending time with you." Pagsabi ko naman ng totoo.

It has been a while na rin since gumala kami na kaming dalawa lang. Noon kasi we spend time almost everyday, nauuna kami ni Bill sa mall para mag arcade, kasi may cheerleading practice pa si Val. While waiting, we stroll around, getting from one shop to another at nagsususukat ng mga damit, at inaasar ang isa't isa kung gaano kami kapangit tingnan. We bicker and then laugh. Typical friend-enemy relationship, I honestly miss those happy times.

"Pasensya na rin kasi nawawalan ako ng oras sa'yo, naging busy talaga kasi ako." Oo nga naman. Hindi ko nga pa rin talaga alam kung anong kinabusyhan ng kumag na 'to.

"Pero maiba, ano nga ba talaga ang mga ginagawa mo? Makikichika naman ako oh." Natatawang saad ko sa kanya. Natawa rin siya and stopped walking.

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon