14

128 61 17
                                    


AMBER'S POV

"Akala ko ba gusto mo doon tayo sa inyo mag-usap?" imbis na ako ang pumunta kina Val, siya na mismo ang pumunta sa amin.

Parang kanina lang ang ganda ng pag-uusap namin.

"Change of plans!" she pushed me papasok ng gate namin hanggang sa mapasok namin ang kwarto ko.

She is really acting weird.

"Hoy Val! Ano ba? Nahihilo na ako sa kakatingin sayo eh! Palakad-lakad ka lang, ano bang meron?" Naupo siya sa sahig at ginulo ang buhok niya.

What the hell is wrong with my bestfriend?






VALERIE'S POV

Obviously, maaga akong nagising.

Agad kong tinawagan si Amber nung nabasa ko ang text niya.

Well, I was planning to sleep muna bago pumunta yung bestfriend ko dito pero may narinig ako sa room ni Billy. 

My freakin' twin brother is reciting something.

I tiptoed papunta sa room niya. Idinikit ko ng maigi ang tenga ko sa pinto para marinig ko ng klaro ang mga pinagsasabi niya.

And he was talking about jealousy and stuff. Hindi ko alam kung para kanino yun, pero hindi ako makapaniwala na all this time, may nagugustuhan pala ang kambal ko.

So ayun, bumalik ako sa kwarto ko at sinubukang makatulog ulit, pero narinig ko ang pintuan ng kwarto niya na bumukas.

I heard his footsteps na pababa sa hagdan. I looked at my clock, it is still 5AM, ang aga naman ata ng lakad ng kapatid ko.

Kaya nag-ala spiderwoman ako at bumaba via sa window.

Nakita ko si Bill na pormang porma. Naka loong sleeves, naka pantalon pa. Saan ba siya pupunta?

Kaya, eto ako ngayon, nasa loob ng kwarto ni Amber na parang ewan.

Well, aaminin ko. I am very possessive and very protective sa mga taong mahal ko.

I can literally fight for them, kahit suntukan pa yan o ubusan man ng lahi.

And my twin brother, he is the most special person in my life. Kung talagang ira-rank ko sila, Billy would always come first.

Oo, I sometimes act like a crazy ass bitch over Anton, but deep inside talaga, yung puso ko, family and friends over boys talaga. Minsan, sumesegway nga lang, pero yun na yun.

"ANO? YOU ARE PLANNING ON STALKING YOUR TWIN? EH TANUNGIN MO NALANG NG DERETSO, PINAPAHIRAPAN MO PA SARILI MO!"

I suggested kasi na alamin namin ang gagawin ni Billy ngayon.

Eh sinermonan ako ni Amber. Naku nga naman, I forgot na si Amber ay hindi ko lang bestfriend kundi ay taga-disiplina ko rin.

"I did that. Pero ayaw niya sabihin sa akin. Amber, hindi ko naman papahirapan sarili ko kung alam kong may ibang paraan, pero wala na. Billy won't tell me a single thing. Ngayon lang siya masikreto sa akin."

Narinig kong bumuntong hininga si Amber. Ang ibig sabihin nito, nag-iisip na siya.

"Okay, fine. So ano na plano?"


AMBER'S POV

Ikakapahamak talaga namin ni Valerie itong ginagawa naming stalking kay Billy.

Minsan talaga, ang liit ng utak nitong bestfriend ko, but since bored ako, at ayaw ko munang isipin ang mga seryosong bagay, pumayag ako sa kalokohan niya.

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon