23

14 2 0
                                    

DAVID'S POV

Nakangiti lang itong si Amber. Good mood na good mood lang masyado ang lioness ko.

"Mabibinat na yan ang labi mo Ambing!" Halatang nagulat siya at tiningnan ako ng masama.

"Ewan ko sayo." Inirapan lang ako.

"Luh, nagalit ka na? Ngiting-ngiti ka pa eh."

Nasa library ang class namin. Study time daw. Malapit na rin kasi ang exam. Okay na rin na nandito kami buong araw, kasama ko naman si Amber.

Wala kasi si Valerie, kasama nung isa naming classmate na cheerleader din. Kaya ako muna kasama ni Amber. At hindi naman ako nagrereklamo. Ayos nga eh.

"Sinira mo agad mood ko eh."

Bakit ba ang cute lang niya. Kahit anong gawin niya, nakakainlove.

"Do you want me to sing for you?" Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

Tiningnan niya ako ng seryoso at muling bumalik sa pagbabasa.

Akala niya siguro nagjokoke time ako.

Pero totoo, gusto ko lang talaga siyang kantahan.

Kasi, ang mga bagay na 'di ko masabi sa kanya, gusto kong idaan nalang sa kanta.

Wise men say, only fools rush in
But I can't help
falling in love with you

Napatingin siya sa akin.

"I just can't help it, Amber. Gusto kong haranahin ka nalang bigla." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Alam kong nagiging awkward para sa kanya ang pangyayari, kasi nakatulala lang siya at talagang tinititigan lang ako.

"Dami mong alam." Pabiro niyang sabi.

Ayan, mas gusto kong nakangiti siya ngayon ng dahil sa akin.

"Kasalanan mo ito eh, masyado kang pafall."

"Masyado ka lang talagang malandi." Halatang nagpipigil pa siya ng tawa.

"Sarap mo kasing landiin."

"You sound like Anton right now." Natawa nalang ako.

Oo nga, masyadong panget ang banat na yun.

Sabi ko nga, I would do everything para mapasaya si Amber. At kahit kantahan ko pa siya buong araw, okay lang.

"Pero pansin ko, hindi na kayo masyadong nag-uusap ni Billy?" dahil ba gusto siya ni Billy kaya lumalayo siya sa kanya? Binasted niya kaya kaagad si Billy? Ibig sabihin ba nito may chance talaga ako?

"Ha? Ah, oo. Medyo may hindi lang kami pinagkakasunduan ngayon." I looked at Amber at alam ko na hindi siya masaya sa sitwasyon nila ni Billy.

"Okay lang 'yan. Magiging okay din kayo." kahit naman karibal ko si Billy, alam kong importante pa rin siya kay Amber. Ayoko naman maging selfish.

"Sana nga." she smiled at me. Haaay, pati ngiti mo nakakainlove.

"So, libre ka ba this weekend?" pag-iiba ko ng topic.

"Hindi ko pa sure eh. Exam na kasi sa Monday. Pero, bakit?" oo nga naman David. Ano ka ba. Exam na, syempre mag-aaral 'yang si Amber.

"Ha? Ah, wala. Natanong ko lang, wala na akong maisip na topic eh hahaha." awkward kong tawa. Napakamot nalang tuloy ako sa ulo.

"Hey,love!" napatingin kami ni Amber sa pinanggagalingan ng boses. Sino pa ba ang may kakayahang tawagin si Amber ng ganyan?

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon