AMBER'S POV
I was thankful at Friday nangyari yung sapukan nina Billy at Anton.
Kasi may oras pa ako para pagpahingahin tong mukha ko.
At dahil hindi naman forever na pwede kung pagtaguan si Mom, ayun mas lalo akong pinagalitan.
Pero naintindihan ko naman si Mama. Kaya tinanggap ko nalang lahat ng salitang sinabi niya.
Kahit step mom ko lang si Mama, ramdam ko talaga ang pagmamahal niya sa akin.
Malaki ang pasasalamat ko sa kanya kasi pinalaki niya akong puno ng pagmamahal kahit na hindi niya ako tunay na anak.
Pero dahil galit na galit si Mama sa akin, I am grounded for 1 week.
I have to be at home kapag walang pasok. No shopping, no talking sa phone, I mean no phone kasi confiscated, no TV and no internet.
Pero I'm okay with it. Hindi naman big deal sa akin ang mga bagay na yan.
At dahil nga weekend ngayon and hindi ako makalabas, sina Billy at Val ang pumunta sa amin.
At yung dalawa, lugmok ang mga mukha. Kasi nga, NO INTERNET. As in pinutol talaga yung connection, kaya hindi maka access sa kung anong site.
"Val my kambal, uwi na tayo. Mamamatay ako dito."
"Shut up Bill. Kasalanan mo kung bakit naging ganito sitwasyon ng best friend ko!"
"Eh kasalanan ko ba kung bigla nalang siyang pumagitna dun? At isa pa, hindi ako ang sumuntok sa kanya. Pangalawa, I was just trying to protect her kaya ko sinuntok ang prince charming mo! At kita mo ba itong mukha ko? May pasa rin ng dahil sa Anton na mahal mo."
"Tama na nga yang pag'aaway ninyong dalawa. Mas lalo sumasakit tong pasa ko eh." Reklamo ko sa kanila. Ampupu nang dalawang ito. Talagang sa harapan ko pa nag-away.
Tiningnan ako bigla ni Billy na para bang chinicheck niya ang hitsura ko.
"Amber, kung suntukin ko rin kaya yang kanang pisngi mo para maging pantay sila." Sinunggaban ko si Billy at sinipa ng sinipa hanggang sa nalaglag siya sa upuan.
Nabali sana spinal column ng ugok na to.
"Baka nakakalimutan mo, medyo nadamage tong pisngi ko kasi my cheek kissed the floor nung hindi mo ako sinalo! Baka gusto mo ikaw yung suntukin ko jan!" Ampfuchsia niya! Mabuti na nga lang at hindi masyadong namaga yung pisngi ko nun.
"Alam ninyong dalawa, kung hindi ko lang alam na kambal ko toh at best friend kita at kung hindi ko lang talaga nawitness ang kabrutalan ninyong dalawa, I would see you as a perfect couple. Ang kyut ninyo. Ang gwapo ni Bill, tapos ang ganda ng best friend ko, naks talaga! Soooooooo perfect."
Agad naming sinapok si Val sa ulo. Talagang sabay kami ni Bill sa pananapok sa kanya.
Kung ano ano na kasi ang iniisip at iniimagine.
We were enjoying na nagkwekwentuhan lang ng may biglang nag doorbell.
Yung yaya ko lang ang lumabas para icheck kung sino ang nasa labas.
"Ambing, may mga naghahanap sayo sa labas." iniwan ko muna sina Val at Bill sa sala at lumabas ako para sugurin at patumbahin ang mga taong binalak akong disturbuhin.
Nagulat nalang ako ng sumalubong sa akin sina Mr. Velasquez at si Anton.
"Goodmoring po Sir." Bati ko kay Prof at hindi ko pinansin ang kasama niya.

BINABASA MO ANG
Love, Hurt and All the Feelings in Between
RomansaTatlong lalaki, isang babae. May playboy, may frenemy at may loverboy. Iba'iba man ang personalidad nila, iisa lang ang hangad nila, at ito ay ang makuha ang genius na si Amber Kate Millan. Sa kwentong ito, hindi lang puso ang nakataya. Feelings ar...