Ikasiyam na Kabanata :

23.5K 439 21
                                    

Sabrina's POV


Wala sa sariling nagpupunas ako sa may counter ng bar kung saan ang trabaho ko kapag gabi na. Nang matapos na akong mag punas sa counter ay lumipat ako sa may bakanteng lamesa kung saan may konting grupo ng lalaki ang mga naka upo doon.




Kanina ko pa sila napansin lalo na at ang tatlong kalalakihan na naka upo doon ay mga gwapong Adonis. Napansin ko 'din na panay ang mga tingin ng mga kababaihan sa puwesto nila. Habang pinagpapatuloy ko ang pag lilinis ko.




Ay nakita ko si Jason na pumasok sa loob ng bar. Narinig ko ang tili ng mga babae at may mga kumakaway sa kanya kumaway naman ito pabalik. Sa lahat ng gwapo na nakilala ko s'ya na ata ang santo.




Dahil mabait s'ya lalo na sa mga babae. O baka naman playboy s'ya? Pero mukhang hindi 'din. Dahil mabait at magaan ang aura n'ya para talaga itong isang Prince Charming. Nagulat pa ako ng ngitian n'ya ako bago nilagpasan.




''Wow. Kaylangan kong makuha ang number ng isang ito! Dapat siguro ay tawagin ko si Gianna!'' sabi ko sa isip ko dahil sa pagkakaalala ko ay nakasama na ito ng kaibigan ko sa isang magazine photoshoot napaka swerte ng bruha.




Habang pinagpapatuloy ko ang paglilinis ko ay narinig ko si Jason na nagsalita. ''Sorry late ako mga bro! May dinaanan pa kasi ako.''




''Anong dinaanan mo babae ba?'' tanong ng isang lalaking may kakapalan ang buhok pero gwapo. Kung hindi ako nagkakamali ay parang ito si Marco Elijah? Sumikat ito sa tooth paste na commericial n'ya.




''Alam ko dinaanan n'ya daan.'' Sabi naman ng isang lalaking kulay white ang buhok. Oo weird nga dahil kulay white ang buhok n'ya pero bumagay naman sa kanya. Tapos 'yung isa pamilyar saakin ito dahil na gwapuhan ako sa magazine picture n'ya.




Si Gabriel Antonio kaso ng makasama ko ito isang buong araw ay masungit ito hindi namamansin at walang masyadong kibo waley ang gandang babae ko.




''Oo daan ang dinaanan ko ang talino mo naman Beiron! Sigurado ako na isang taon mo inisip 'yon tama ba?'' sabi ni Jason at nagtawanan sila. Pero mayamaya ay seryoso na naman ang mga mukha nila. Para silang mga wala sa mental.




''Pinuntahan ko si Terrence dahil masakit ang pakiramdam n'ya hindi s'ya maka tayo.'' Sabi ni Jason at hindi ko alam pero parang nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin s'ya sa puwesto ko.

TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon