Ika-Apatnaput Isang Kabanata :

22.1K 400 52
                                    

Sabrina's POV


Naiinis na tumayo ako at pumasok sa banyo para basahin ang sarili ko. Ganoon ang ginagawa ko binubuhusan ko ang katawan ko ng tubig para lang magising na ang kaluluwa ko. Nang matapos akong maligo ay nag hanap ako ng gamut para matanggal ang kirot sa ulo ko.





Medyo napa inom ako kagabi kasama ang mga kasamahan ko sa modeling. Nalala ko tuloy ng biglang mawala si Elizabeth ng pumasok kami sa loob ng bar.






''Saan ka nag punta Eliza? Hinahanap ka namin ni Joy.'' Naka simangot naman na umupo si Elizabeth sa tabi ko.





''Paano ba naman may humila saakin na lalaki kanina ng papasok tayo!'' pagsusumbong n'ya nag katinginan naman kami ni Joy.





''Pasensya na Eliza madami kasing lumapit saamin ni Sabrina tapos nagtutulakan pa sila.'' Pahinging paumanhin naman ni Joy tumango naman si Elizabeth.





''Ayos lang naman saakin. Ang gwapo nga ng nag hila saakin na lalaki eh kaso masungit s'ya tapos ikaw pa ata ang balak n'yang hilain Sabrina kasi nagulat s'ya ng makitang hindi ikaw ang nakuha n'ya.'' Pag papaliwanag naman ni Elizabeth saakin.





''Huh? Bakit naman n'ya ako hihilain? At alam mo ba ang panglan nung lalaki?'' tanong ko naman kay Elizabeth nag isip naman s'ya at mayamaya ay tumango.





''Kung hindi ako nag kakamali s'ya si Teri? Terish?'' hindi siguradong tanong ni Elizabeth.





''Wala akong kilalang ganoong ang pangalan.'' Sagot ko naman.






''Baka fan mo Sab?'' singit naman ni Joy sa usapan. Kibit-balikat lang ang sinagot ko. Siguro nga isang tagahanga lang.

TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon