Sabrina's POV
Maaga akong gumising dahil kailangan kong mag gym. Nararamdaman ko na kasi ang mga alaga kong bilbil na dadami sila kaya naman kailangan ko ng kumilos. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba dahil andoon na sa labas si Manong driver na palagi kong kasama.
Pero laking gulat ko ng hindi ko Makita kahit ang anino ng driver ko. Alam kong dumating na s'ya dahil tinawag n'ya pa ako agad pero wala s'ya!
Isang tao lang ang nakikita ko ngayon kundi si Terrence na naka halukipkip habang naka sandal sa sariling kotse. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay at tumingin ulit sa paligid para hanapin kung saan nag punta ang aking magaling na driver.
''Kung hinahanap mo ang driver mo pinag leave ko muna s'ya ng one week.'' Nanglaki naman ang mata ko sa narinig kong sinabi ni Terrence at lumingon sa puwesto n'ya.
''Anong sabi mo?!'' mataas na boses na tanong ko.
''Sa pagkakaalala ko Sabrina maganda ka lang at hindi bingin. Sumakay kana ako ang mag hahatid s'yo kung saan ka man pupunta.'' Utos ni Terrence at agad na pumasok sa loob ng kotse.
Kahit labag sa loob ko ang ginawang pag layas ni Manong kailangan ko s'yang intindihin sinabi siguro nitong lalaking impaktito na 'to na bago ko s'yang manager at tinakot ang walang laban na si Manong. Agad na lumapit ako sa kotse at binuksan 'yon pero naka lock naman.
Malakas na hinampas ko ang kotse ni Terrence. ''Sira ulo kaba? Pinapapasok mo ako naka lock?! Anong 'akala mo saakin may super powers? Makaka pasok ako agad ganoon?'' hindi ko mapigilan ang uminit ang ulo ko.
Paano ba naman ang gwapo gwapo n'ya pala. Alam ko na gwapo pero mukhang mas gwapo s'ya ngayon kaysa kahapon. ''Saan ka pupunta?'' tanong saakin ni Terrence ng maka pasok ako sa kotse sa front seat.
BINABASA MO ANG
TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)
RomanceThe Bachelor Series #5 Terrence Prime Imperial. Started : Aug 14,2016 Ended: Jul 12,2016