Ika-tatlongput Limang Kabanata :

21.2K 388 56
                                    

Dedicated to @ajejeyxoxo thank you sa pagbabasa ng TBS ko. At sa pakikipag usap saakin hahaha. Maraming salamat at Godbless! :* Lovelots!

--------------------

Sabrina's POV



''Hindi kapa matutulog?'' tanong ko kay Terrence.




''Hindi pa.'' maikling sagot n'ya napatingin naman ako kay Thea na kasama ni Terrence ngayon na naka upo sa sofa tinaasan ko lang s'ya ng kilay.





Agad na pumasok ako sa kwarto kanina ko pa naiisip na kung dito mag iistay si Thea saan naman s'ya matutulog. Kung tabi tabi kaming tatlo dito sa kama magpapakamatay na lang ako.





Humiga na ako sa kama at ipinikit ang mata ko. Pero hindi pa 'rin ako makatulog. Ilang oras na ba at hindi pa bumabalik sa kwarto si Terrence? Gising paba sila?





Humalukipkip na lang ako at tahimik na nag hintay nakatingin ako sa kisame at iniisip lahat ng nangyari sa buhay ko simula ng makilala ko si Terrence. Mag simula sa shop ni Gianna haggang sa makapunta kami sa Japan.





Maganda na pala sana ang flow kung hindi lang ume-epal si Thea.




Ilang oras pa akong nag hintay haggang sa bigla na lang akong makaramdam ng antok ipinikit ko na ang mata ko at hinayaan ng makatulog babalik naman siguro si Terrence sa kwarto mamaya kaya wala naman akong dapat na ikabahala.




Sana..




Nagising na ako ng maaga napatingin ako sa orasan at katulad nga ng inaakala ko ay maaga pa nga pero medyo maliwanag sa labas at mahina na ang pag isnow. Napatingin ako sa gilid ng kama at hindi man na galaw 'yon.




Ibig sabihin hindi bumalik si Terrence..At mukhang katabi n'yang natulog si Thea.





Napa buntong hininga na lang ako at agad na lumabas ng kwarto ng magpunta ako sa sala ay nakita ko nga si Terrence at si Thea naramdaman ko nanaman ang pagkirot ng puso ko.

TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon