Dedicated to @jquisido Salamat sa walang sawang pagbabasa at pag cocomment! Sana wag kang magsawa. Godbless and love lots! :*
---------------
Sabrina's POV
Hindi ko mapigilan ang mas idiin ang pag punas sa plato na parang 'yon ang mukha ni Thea na sinisira ko. Buong hapon na ako bad trip paano ba naman ay mukhang enjoy na enjoy sila Terrence at parang wala ako.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Kaya nag prisinta na ako na mag hugas ng pinggan dahil parang dudugo ang tenga ko kapag naririnig silang nagtatawanan. At ang kinaiinisan ko pa ay bakit si Terrence mabilis ngumiti kapag si Thea ng kausap?!
''Bakit plato? Sumagot ka!'' asar na sabi ko at tinignan ng masama ang plato ko ng hindi ako maka kuha ng sagot.
Dahil mahal n'ya si Thea.
Para naman gusto kong himatayin ng maisip ko kung bakit nga ba mabilis ngumiti at tumawa si Terrence kapag kasama si Thea.
''Oo nga pala nakalimutan ko 'yon.'' Mahinang bulong ko habang pinagpapatuloy ang pag huhugas.
''Dinadasalan mo ba ang mga hinuhugasan mo?'' muntik ko pang mabitawan ang platong hawak ko dahil sa biglang pagsasalita ni Terrence nasa likod ko na pala s'ya.
''Pwede ba wag mo nga akong ginugulat konti na lang kasi mahulog na puso ko!'' inis na sabi ko at agad na ibinalik sa ginagawa ko ang atensyon ko.
''Okay lang sasaluhin ko naman kapag nahulog.'' Biglang napalingon ako kay Terrence at nagulat ako ng biglang malaman kong magkalapit lang ang mukha namin. Habang naka tingin ako sa mata ni Terrence nakita ko na parang tuwang tuwa s'ya.
Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot. ''Mukhang tuwang tuwa ka ah?'' asar na sabi ko at agad na nag iwas ng tingin sa kanya.
''Yeah.'' Sagot naman ni Terrence pinigilan ko naman ang sarili ko na itapon sa mukha n'ya ang basong hawak ko naman ngayon.
BINABASA MO ANG
TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)
RomanceThe Bachelor Series #5 Terrence Prime Imperial. Started : Aug 14,2016 Ended: Jul 12,2016