Sabrina's POV
Salubong ang kilay na pumasok ako sa TPI Company mainit ang ulo na sumugod ako doon paano ba naman na cancel lahat ng mga gagawin ko ngayon. At ng itanong ko kung paano nangyari 'yon ay sinabi nila na dahil daw sa manager ko.
At sino ba naman ang manager ko? Ang walanghiyang si Terrence. Nang Makita ko ang secretary n'ya ay agad na lumapit ako 'doon. ''Nasaan si Terrence?'' tanong ko sa kanya.
''Ma'am nasa conference room po---Ma'am!'' ng marinig ko na nasa comfrence room s'ya ay mabilis na sumugod ako sa comference room. Naramdaman ko naman pinigilan ako ng secretary ni Terrence. Pero tumuloy pa 'din ako.
''Hoy Dong lumabas ka dyan!'' malakas na sigaw ko at tumuloy sa comference room. Nakita ko na naka upo sa may pinaka gitna si Terrence habang naka halukikip at may lalaking nag pre-present ng isang project.
Napa tigil ako ng mag katinginan kami ni Terrence pumikit muna ako ng mariin at pag katapos ay tinuro ko si Terrence. ''Ikaw!'' Inis na tawag ko nasa aamin pa 'din ang atensyon ng mga tao na nasa comference room.
Agad naman tumayo si Terrence at nag paalam saglit sa mga tao na nasa loob at agad na lumapit saakin. ''Sir pinigilan ko po s'ya pero—'' pinigilan na ni Terrence na mag salita ang secretary n'ya at agad na tumingin saakin.
''Follow me.'' Seryosong sabi ni Terrence at agad na tumalikod. Agad naman akong kinabahan dahil sa seryosong mukha n'ya.
Pero haller kasalanan naman n'ya kaya napa sugod ako dito noh? Kung sana hindi s'ya nakiki-alam sa mga ginagawa ko ayos lang eh. Pero nakialam s'ya.
Pumasok kami sa opisina n'ya at umupo naman s'ya agad habang ako ay naka tayo lang. ''Bakit mo bigla na lang cina-cancel 'yung mga photoshoot ko? At commercial buong week na 'to? Hindi mo ba alam na kawalan 'yon para saakin?! Pwede ba wag kang makialam sa mga ginagawa ko.'' Inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)
RomanceThe Bachelor Series #5 Terrence Prime Imperial. Started : Aug 14,2016 Ended: Jul 12,2016