Ika-dalawangput Dalawang Kabanata :

20.9K 394 23
                                    

Sabrina's POV


Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa pinag uusapan ng mga magulang namin ni Terrence. Pasimpleng kinuha ko na lang ang phone ko at nag laro habang busy silang nag uusap.




Basta ang alam ko pinag uusapan nila ang magiging kasal namin ni Terrence at kung anu-ano pa tango lang ako ng tango sa mga pinag sasabi nila kahit na wala naman pumapasok sa isip ko.





''Ok lang ba sa'yo 'yon hija?'' tanong saakin ni Mrs. Imperial ngumiti naman ako kahit na walang alam sa tinatanong n'ya.




''Opo. Maganda ang idea na 'yon Mom.'' Sagot ko kanina kasi nang dumating ako at nag hello kay Mrs. Imperial sinabi n'ya na Mom na lang daw ang itawag ko. No choice naman ako.





Nakita ko naman na pumalakpak pa s'ya at tuwang tuwa sila ng Mama ko. Naki ngiti at naki saya na lang ako kahit wala naman akong clue kung ano ang kinasisiyahan nila. Nag paalam na ang mag asawang Imperial at na iwan kami ng Mama at Dad ko.




Tuwang tuwa naman na tumingin sakin si Mama. ''Maganda choice ang ginawa mo hija! Mabuti n'ya na medyo madelay ang kasal para magkakilala kayo ng maayos ni Terrence!'' nagulat naman ako sa sinabi ng Mama ko.



''Po?'' nagtatakang sabi ko.




''Ano kaba naman Sabrina. Wag kanang pakipot anak alam ko naman na gusto mo si Terrence kaya magpasalamat kana lang sa idea ko hija!'' tuwang tuwa na sabi ng Mama ko palihim naman akong simimangot.



Paano ba naman wala akong idea kung anu-ano ang pinagsasabi n'yang Idea at kung bakit madedelay ang kasal namin ni Terrence ayun na 'yon eh papakasal na kami sayang Honeymoon sa Japan.




Kaasar naman eh!



Dahil sa sama ng loob ko hindi ko na lang pinag tuunan ng pansin ang mga sinasabi ni Mama ko. Haggang sa narinig kong tinwag ni Mama ang isa sa mga katulong namin. ''Paki impake ang lahat ng Damit ni Sabrina okay?'' bilin ng Mama ko.




Nang lalaki naman ang mata na tumingin ako kay Mama. ''Ma! Papalayasin mo na ba ako sa bahay?'' nakita ko naman nagtatakang tumingin saakin si Mama agad na lumapit ako sa kanya at kumapit sa paa n'ya para pigilan s'yang makapag lakad.

TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon