Ika-Tatlongpung Kabanata :

20.1K 369 31
                                    

Sabrina's POV


Mahigpit na hinawakan ko ang suot kong patong-patong na jacket sa katawan nag mumukha na akong isang matabang babae dahil sa dami ng suot kong jacket. Sobrang ginaw kalabas ng kotse. Ang nakaka inis pa ay mukhang ang dalawang kasama ko ay walang pakialam sa lamig na panahon.




Nakaka isang hakbang palang ako ay nadulas na ako. Napa singhap ako ng malakas. Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa si Thea s'ya kasi ang nasa malapit ko.




Nagulat pa ako ng iabot n'ya saakin ang kamay n'ya nag dadalawang isip pa ako. ''Dalian mo na.'' naiinis na sabi n'ya at agad na tinaggap ko malapit na akong maka tayo ng bigla n'ya bitawan ang kamay ko dahilan para madulas ulit ako.





Tatawa tawa na si Thea at sa sobrang inis ko ay hinila ko 'din s'ya at mukhang hindi n'ya inaasahan 'yon kaya nadulas 'din s'ya ako naman ang natawa ng malakas. Lumapit saamin si Terrence nan aka kunot ang noo.






''Anong ginagawa n'yong dalawa?'' nagtatakang tanong n'ya saamin ni Thea nag katinginan naman kami ni Thea at nagmamadaling tumayo kay Terrence. Pero nauna na si Thea at nadulas nanaman ako. Nakita ko ang nag aalala na mukha ni Terrence.






''Okay lang ako!'' asar na sabi ko at tumayo na lumapit naman saakin si Terrence at nilapit ang katawan n'ya sa katawan ko natatarantang lumayo naman ako pero hindi ako hinayaan ni Terrence na maka layo sa kanya.




Napa tingin ako kay Thea na masama ang tingin saakin. Umirap na lang ako. Kasalanan ng babaeng 'to bakit nahulog ako ng tatlong beses!





Nang maka pasok kami sa coffee shop na sinasabi ni Thea ay nakita nanaman na nag hihitay na si Mr. Ewan ko ang apeliydo. Na naka upo na sa isang puwesto doon kasi nila napag usapan ni Terrence na mag meeting na lang at pumayag naman 'yung Hapones.





Umupo kami sa hindi kalayuan sa kanila wala pa kaming ino-order dahil hihintayin daw namin si Terrence sabi ni Thea pero kung ako ang masusunod ay bibili na ako ng kape dahil sobrang lamig na! Parang magyeyelo na ako sa kinakaupuan ko.





TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon