Ikaanim na Kabanata :

23.9K 413 22
                                    

Terrence's POV


Hindi ko na pigilan na pagtaasan ng boses ang babaeng nasa harapan ko. Pamilyar saakin ang mukha n'ya pero hindi ko alam kung saan at kailan ko s'ya nakita. Siguro ay nadadaanan ko s'ya kaya pamilyar s'ya.




Pero nag iinit ang ulo ko lalo na at mukhang pinaglalaruan n'ya ako. Katulad na lang ng pagtatanong saakin na isang common na tanong. Mas lalo kina-iinisan ko 'yon madami akong gagawin ngayon at naiirita ako sumabay pa ang babaeng 'yon.




Napa buntong hininga ako habang hinihintay ang order ko na kape. Madaming problema ang pumapasok sa isip ko. At ang pinaka problema ay ang pagkikita namin ng magiging asawa ko. Matagal pa naman pero hindi ko mapigilan na hindi iyon maisip.





Dapat ay si Teejay ang may problema ng ganito dahil s'ya naman talaga ang unang choice ng magulang namin pero pina-ikot n'ya ang usapan at saakin napunta ang makakasal ako sa ibang babae.





Wala naman akong magagawa dahil nga naman ako ang unang pinanganak. Pero mas una pang ikinasal ang sira ulong kong kakambal na ikinatuwa naman ng magulang ko. 'akala ko ay nakalimutan na nila ang pinag usapang kasal.





Pero nagkamali ako. Dahil pinakilala pa nila saaking ang mag asawang Lewis na s'yang magulang ng mapapakasalan ko.




Nalala ko tuloy ang pagdalo ko sana sa 18th birthday ng anak nila pero hindi ako tumuloy. Dahil baka mas lalo lang mawala ang mood ko. Ginagawa ko lang naman ito para sa pamilya ko.





Hindi ko 'din alam ang mukha ng anak nila dahil bakit kaylangan ko pang mag aksaya ng oras para malaman kung sino s'ya? At ano ang mukha n'ya? Kung makakasama ko naman s'ya sa buong buhay ko.




Pero hindi ko balak na makasama s'ya ng matagal maybe a couple of years will be enough sasabihin ko na wala akong maramdaman at ganoon 'din s'ya.




Kung sana si Thea ang mapapakasalan ko. Hindi ko na pigilan ang mapangiti ng maalala ko ang magandang mukha ng kababata namin ni Teejay.




Princess Thea Marquez. Ang nag iisang babae sa buhay ko at sa buhay ni Teejay noong hindi pa n'ya kilala ang asawa n'yang si Sindy. Nag uusap kami ni Thea at ilang weeks na lang ay babalik na ulit s'ya sa pilipinas.

TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon