Ika-dalawangput Siyam na Kabanata :

19.7K 363 58
                                    


Sabrina's POV



Hindi ko mapigilan ang mapa simangot habang kasama namin nag aalmusal si Thea. Nakikipag tawanan s'ya kay Terrence at ito naman si Terrence ay kinakausap pa. Palihim na umirap na lang ako. Sa dami dami ng puwede naming maka sama ni Terrence s'ya pa.




Sabunutan ko na lang kaya ang bruhang ito?!




''By the way may nakita akong magandang coffee shop mukhang masarap ang kape nila doon gusto mong pumunta Terrence?'' malambing na sabi ni Thea at ipinatong pa ang ulo sa balikat ni Terrence.




Aba't! Sasabunutan ko na talaga ang bruhang ito nandito ako haller¬!




Tumikhim naman ako para maagaw ang moment ng dalawang nasa harap ko. At napunta naman saakin ang atensyon nila saakin. Malanding tumingin naman ako kay Terrence at ngumiti ng matamis. ''Dong diba may meeting ka kay Mr. Hapones?'' sabi ko.





Nakita ko naman na parang nagulat si Terrence. ''Oh yes. That's right. May meeting ako mamaya baka hindi ako makakasama.'' Sagot ni Terrence at nakita ko naman na nagulat si Thea gusto ko sanang humalakhak ng malakas.





''Ganun? Sige kapag natapos na lang ang meeting n'yo then punta tayo doon. Please?'' sabi ni Thea at nag pout pa sarap hablutin ng bibig eh.




''Fuck.'' Sabi ko. Nakita ko naman napatingin saakin sila Terrence.




''Minumurahan mo ba ako?'' maarteng tanong ni Thea.




''Hindi ah. Sabi ko pak! Pak! As in wings gusto ko ng chicken wings para sa dinner.'' Sabi ko at ngumiti sa kanila ng peke. ''Ang feeling mo che!'' asar na bulong ko at tumayo na.




''Salamat sa almusal Amen.'' Sabi ko at agad na pumasok sa kwarto tahimik na nag laro ako sa cellphone ko at 'yung binabaril pa 'yung mga zombie iisipin ko na lang na si Thea 'yung mga zombie at papatayin ko dahil panira s'ya.





TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon