Ikalimang Kabanata :

23.9K 437 30
                                    

Dedicated to @02Ana22 Yay Girl ito na para sa'yo ang chapter na ito. Mmaraming salamat sa walang sawang pag vo-vote at comment! Lab youu~!


Sabrina's POV


''Ang schedule ko ay tuwing Monday to Friday magtratrabaho ako sa Good Vibes Resto kung saan madalas kumain si Terrence. At tuwng Monday, Wednesday at Friday naman ang trabaho sa Rock Bar.'' Pakikipag usap ko sa sarili ko habang sinusulat ang mga dapat kong gawin.




Nang matapos kong isulat ang kaylangan kong gwin sa buong week na ito ay naghanda na ako para magtrabaho sa Good Vibes Resto. Naka suot lang ako ng black fitted na jeans at 'yung t-shirt na uniform ko sa Good Vibes Resto at simpleng kulay pink na doll shoes.





Tinali ko 'din ang medyo mahabng buhok ko na messy bun at naglagay ng light make up. Kahit naman papano ay gusto kong humarap saakin soon to be NOT husband ng maayos. Kahit na mukhang wala itong clue na akong ang kanyang soon to be NOT wife.





Nang makadating na ako sa Good Vibes Resto ay pinakilala na ako ng maneger namin doon na si Shiela at mukhang mababait naman ang lahat ng makakatrabaho ko at mukhang magiging maganda ang first day ko.




''Sab. Paki kuha naman ang order ng customer natin sa table 8.'' Utos saakin ni Shiela first name ang tawagan ng mga taong nasa paligid ko at sympre ang akin ay nick name lang ang nilagay ko na pinasa ko ang address kung saan ako nakatira sinulat ko ay sa kaibigan ko na si Gianna.




Hindi naman siguro magagalit si Gianna dahil mabait s'yang tao. At close kami kaya alam ko na mahal n'ya ako para magalit s'ya. 'saka ko na sasabihin sa kanya kapag may oras na ako para tawagan s'ya.




Lumapit na ako sa table number 8 at inilabas ang aking mahiwagang papel at ballpen. ''Good Morning Sir.'' Muntik pa akong mabulol dahil ng sabihin ko 'yon ay ang mukha ni Terrence ang bumungaw saakin.



''Ano po ang order n'yo Sir?'' magalang na tanong ko.



''Coffee.''



''Black or with Cream?''



''Black coffee.''



''Warm? Or Cold? Or Luke Warm?''



''Warm Coffee.''



''So meaning Sir warm coffee na ang gusto n'yo at hindi na black coffee?'' magalang pa 'rin na tanong ko. Nakita ko naman na sumama ang tingin n'ya saakin na para bang gusto na n'ya akong kainin ng buhay at konti na lang ay hindi ko na mapipigilan ang pagtawa ko.




''Are you making fun of me huh?'' masungit na tanong n'ya saakin mabilis naman akong umiling.



''Of course not Sir!'' pagkukunwari ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko ng ngumisi.



''Bago ka palang dito right?'' tanong n'ya saakin.



''Left Sir.'' Sagot ko nakita ko naman na nagsalubong ng bonggang bongga ang kilay n'ya.



But still handsome af. Sabi ko sa isip ko habang naka tingin pa 'rin sa kanya.



''Tss. Just give me my damn coffee.'' Halatang punong puno na s'ya saakin.



''Black or with cream?'' tanong ko ulit tinignan nanaman n'ya ako ng masama.



''Black coffee with warm water.'' Naasar na sagot nanaman n'ya saakin.



''With sugar or without----'' bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na s'ya agad.



''Just leave me alone. Darn it.'' Inis na sabi n'ya.



''Pero Sir hindi ko pa nakukuha ang order---''



''Damn shut up!'' napatingin ang ibang kumakain dahil sa malakas na pagsigaw ni Terrence agad naman lumapit ang manager ng good vibes na si Shiela saamin ni Terrence.



''Sir Terrence may problema po ba?'' kinakabahan na tanong ni Shiela kay Terrence.



''Yes. Pinapa-init ng bagong crew mo ang ulo ko. I just want my coffee ang dami pa n'yang tanong.'' Masungit na sabi n'ya.



Ako pa talaga ang nagpapainit ng ulo mo huh? Pikon ka lang talaga.



''Naku Sorry po. Sab mag sorry ka.'' Sabi naman ni Shiela saakin agad naman ako tumango.



''I'm so sorry.'' Sabi ko at nag boses ate gay pa at ginaya ang pagsosorry na pose ni chichay. Nakita ko naman na mas lalong tumalim ang tingin saakin ni Terrence.



Woot. Woot. Sabrina got 1 point at si Terrence ay zero! Nye nye~~! Natatawang sabi ko sa isip ko bago tumalikod at sumundo sa manager namin.




-Rosercl

DON'T FORGET TO VOTE! COMMENT! AND FOLLOW ME! THANK YOU AND GODBLESS!

TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon