Ika-dalawangput Walong Kabanata :

20.9K 386 29
                                    

Sabrina's POV


Hindi ko alam kung paanong takbo ang gagawin ko papasok sa hotel room kakadating lang namin ni Terrence sa japan at kung sinu-swerte ka nga naman ay nag iisnow pa ngayon. Agad na binuksan ni Terrence ang heater.





''Wahh pakiramdam ko ikakamatay ko na 'yung kanina.'' Sabi ko habang naka upo sa sofa. Nag kibit-balikat lang si Terrence at agad na hinubad ang jacket ito pa ang napansin ko kay Terrence mukhang walang pakialam sa lamig ang isang 'to.





Buti pa s'ya balat kalabaw.




''Hindi kaba nilalamig?'' tanong ko kay Terrence ng bigyan n'ya ako ng isang cup ng kape.





''No. Sanay na ako sa malamig.'' Maikling sagot ni Terrence at agad ng umalis sa harapan ko pinasok n'ya pa ang mga maleta namin sa loob ng kwarto.






Sinundan ko naman s'ya at nakita ko na nilalagay n'ya ang mga gamit sa closet kaya naman naki tabi na ako at naki lagay ng mga damit. ''Kaylan tayo mamasyal?'' excited na tanong ko kay Terrence.





''Hindi ko pa alam. Babasahin ko pa ang mga kaylangan kong papeles para sa meeting namin ni Mr. Takishima.'' Simpleng sagot n'ya tumango tango na lang ako.






At pabagsak na humigit sa kama. Isa lang ang kwarto kaya siguro mag shi-share kami ni Terrence agad naman akong napa tingin sa kanya na busy pa 'rin sa pag aayos.





''Tabi tayong matutulog?'' umiling naman si Terrence sa tanong ko at may tinuro.





''Doon ako matutulog.'' Sagot n'ya at tinuro ang nasa harapan ng kama na sofa. Napa simangot naman ako agad sa sinabi n'ya at tumalikod kay Terrence.





TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon