Ika-Apatnapung Kabanata

23.8K 407 47
                                    

Dedicated to @ghemabulawan Thank you po and Godbless hope na magustuhan mo ang chapter na 'to. At sa iba pang magbabasa. ♥️✌️

---------------------

Terrence's POV



''Ikaw Terrence kailan mo kami balak bigyan ng apo ng daddy mo?'' tuloy tuloy lang ako sa pagsubo at hindi pinasin ang tanong ng Mama ko.




''Kung sana kasi gumagawa kana ng hakbang para mapalapit ulit s'yo si Sabrina edi may apo na ako ngayon.'' Pagsesermon pa 'din saakin ng Mama ko. Napatingin ako kay Teejay na tatawa tawa lang habang tinitignan ako.





''Ma baka mag pakamatay 'yan si Terrence wag mong pine-pressure.'' Pang aasar saakin ni Teejay. ''Wala kang magagawa Ma may anak ka na pinanganak na torpe.'' Pagtutuloy pa ni Teejay.





Mas lalo pa akong nainis ng tumawa sila. Isang dahilan bakit ayokong nag papakita sa kanila ako ang laging nasa hot seat at kung anu-ano ang tanong saakin. ''Tapos na akong kumain.'' Sabi ko at agad ng tumayo.





''Bakit Terrence diet ka?'' tanong saakin ni Teejay at tinignan ko lang s'ya ng masama bago tumalikod pero paalis na ako ng biglang tawagin ni Stephan ang pangalan ko. Naka taas ang dalawang kamay n'ya habang naka tingin saakin.






''Daddy tito buhat!'' sigaw n'ya hindi naman ako nag dalawang isip at binuhat s'ya 3 years old na s'ya ngayon at kahawig n'ya kami ni Teejay noong nasa edad pa namin s'ya. ''Daddy tito bakit galit ka po kanina?'' tanong saakin ni Stephan.





''Pikon kasi si Daddy Tito mo.'' Napa tingin ako sa nagsalita na si Teejay na naka sunod na 'din pala saamin ni Terrence.





''Bakit andito ka tapos kanang kumain?'' tanong ko kay Teejay.




''Diet 'din ako.'' Mapang asar na sabi ni Teejay at agad na kinuha saakin si Stephan. ''Stephan punta kana kay Mommy ganda mo ah? Aalis kasi kami ni Daddy tito mo.'' Pakikipag usap ni Teejay sa anak n'ya.





TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon