Ika-Apatnaput Apat na Kabanata : #JollibeeRomance

24.7K 401 50
                                    

--------------

Sabrina's POV



''Anong gagawin natin dito?'' tanong ni Terrence habang naka tingin sa furniture shop.




''Mag bebelly dancing siguro tayo dito. Malamang bibili ako ng gamit.'' Sarcastic na sagot ko at agad na pumasok sa loob.





Sinalubong kami agad ng isang salesman at gwapo s'ya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti lalo na at ng ngumiti s'ya pabalik saakin ay malalim ang dimples n'ya. Ohmy! ''Nasaan ang mga sofa n'yo dito? Balak ko kasing palitan 'yung sa condo ko.'' Nakangiting tanong ko.





''Andito po Ma'am.'' Naka ngiting sabi n'ya at itinuro ang sofa agad na pumunta naman ako doon at naka sunod lang si Terrence. ''Anong pangalan mo?'' tanong ko sa sales man. ''Earl po.'' Magalang na sagot n'ya.





''Ang gwapo naman ng pangalan mo ako si Sab—'' hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita bigla si Terrence.





''Matibay ba ang sofa n'yo? Baka konting upo ko lang ay masisira na 'yan?'' naka taas ang kilay na tanong n'ya kay Earl.





''Matibay po ang sofa namin dito.'' Naka ngiting sagot pa 'din ni Earl kay Terrence at ngayon naman ay mukhang handa ng katayin ni Terrence ang inosenteng lalaking nasa harap n'ya ngayon.





''Mukhang maganda itong sofa na 'to.'' Sabi ko habang hinahawakan ang kulay red na sofa. ''Pwedeng i-try?'' tanong ko tumango naman si Earl kaya umupo ako. ''Ang lambot halika dito Earl try mo 'din.'' Agad naman umupo si Earl.





Nilapit ko pa ang balikat ko sa balikat ni Earl. ''Ang komportable hindi ba?'' naka ngiting tanong ko naramdaman ko naman na parang may maiinit na mata ang naka tingin saamin sa likod ko at kahit hindi na ako lumingon kilala ko na kung sino 'yon.





''Komportable ba dyan?'' sabay kaming napalingon ng magsalita si Terrence walang pag paalaman na umupo sa gitna namin ni Earl halatang sinasadyan talaga n'ya 'yon dahil ngumiti pa s'ya saakin ng malawak ng maka upo s'ya.

TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon