Ika-labing Siyam na Kabanata :

21.3K 395 22
                                    

Sabrina's POV


Nagmamadaling pumasok ako sa morning Good Vibes dahil late na ako. Pag pasok ko sa loob agad na nakuha ng atensyon ko ang dalawang tao sa gilid si Terrence kasama n'ya si Thea. Pinipigilan ko naman ang mapa simangot.




Nag kunwari na lang akong hindi sila nakita at agad na pumunta sa counter. ''Psst. Shiela.'' Agaw ko sa atensyon ni Shiela agad naman s'yang lumingon saakin at halatang nagtataka.





''Sinong nag bigay ng pagkain kayla you know.'' Sabi ko at agad na ngumuso sa puwesto nila Terrence. Ngisi naman saakin si Shiela.





''Sympre ako! Tignan mo may autograph pa ako kay Miss. Thea!'' pagmamalaki n'ya at agad naman nalukot ang mukha ko. Para pirma lang naman nagkakaganya si Shiela. Agad na inagaw ko kay Shiela ang hawak n'ya note pad at nilipat 'yon sa ibang pahina.





Kumuha muna ako ng ballpen at agad ng yumuko at pinirmahan 'yon. Napa ngisi pa ako ng titigan ng pirma ko. Agad na inabot ko 'yon kay Shiela. ''Oh hayaan! Welcome!'' natatawang sabi ko binatukan naman ako ni Shiela.




''Grabe ka dinu-dumihan mo ang note pad ko Sab!'' naasar na sabi ni Shiela.





''Hoy! Anong dinudumihan? Mahal kaya ang pirma ko mas mahal pa sa kaluluwa mo.'' Sabi ko kay Shiela pero umirap lang s'ya sumimangot na lang ako at nangalumbaba.





Muntik ng lumabas sa dibdib ko ang puso ko ng may tumikhim sa likuran kop ag lingon ko ay naka kita ako ng dibdib at pag angat ko ng tingin nakita ko ang naka salubong na kilay ni Terrence.





Hindi ko alam pero mabilis na ngumiti ako ng malawak sa kanya. ''Hi! Miss me?'' tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang malawak na ngiti ko.





Hindi n'ya ako pinasin at tumabi lang sa gilid ko. Kahit na hindi ako lumalapit kay Terrence ay nalanghap ko pa 'rin ang mabango n'yang cologne kaya naman mas lalo akong dumikit sa kanya at inamoy ang kabanguhan n'ya.





TBS: 6 (Terrence Prime Imperial COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon