MO.MA.

6 3 0
                                    

"wow! Ang sweet nyo naman buti pa kayo eh etong si shawn ayaw pang aminin na may gusto sya sa pinsan mong si stephanie. Napaka torpe!" sigaw ni zike.
"tss hindi mo pa inaamin? Halatang halata ka na nga! Kulang nalang si steph pa ang manligaw sayo" giit ni luke. Ano kayang itsura nung steph mukang maganda rin.

"oh kung dito kayo titira saan kayo matutulog?" tanong ni luke.
"uhmm ewan. Siguro sa garfield room mo na miss ko yun eh!" masayang sabi ni clark. Hahhaha ayaw ngang i pagamit sakin ni luke yung kwarto eh.
" no!! Walang pwedeng matulog don!" hahaha

"ano bayan ang possesive mo parin. Grow up bro" sabay hampas ni shawn kay luke.
Tama sya! Mahal na mahal nya yung garfield room nya.

"nobody will sleep there!" giit nya.
"pfft hahaha chill lang bro. Dun kami sa guest room" wait may guest room pa? Eh bakit hindi nalang ako yung pinatulog dun hindi yung magkasama parin kami ni luke sa isang kwarto. Matanong nga mamaya.

"oh maiba usapan saan ba kayo mag aaral?" tanong ni luke. Oo nga noh mag peperiodical test na nga sa charms high. (school nila luke at danica)

"EDI SA CHARMS HIGH!" sabay sabay nilang sigaw at tinalunan si luke.

"miss kana namin bro!" sabi ni clark.
"oo nga bro yang amoy mo miss na miss ko na!" hahaha maloko talaga si zike.
"pipiin si luke!!" sigaw ni so mabait shawn. Hahaha ang kukulit nilang mag kakaibigan.

"Ano naririnig ko dito?. Bakit iniiwan nyo ako?! Wha!! Cannon ball!!" singit ni sean at dumagan din.

"alam ko na! MOMA!!" huh? Ano yun?.

"hhahaha sige sige. Alis ang bibigat nyo! Miss ko na yung MOMA natin!" ano ba yung moma.

"luke ano yung MOMA?" bulong ko kay luke.

"MOVIE MARATHON!!" sabay sabay nilang sigaw.
Sige na sila na! Sila na maingay!! Narinig pa nila yung bulong ko.
"ano panonoorin natin?" tanong ni shawn.
"kung fu panda 3!! " sigaw ni zike. "yan nalang!" giit ko.
"no. Transylvania 2 nalang. May anak na sila dun" singit ni sean. Pam pam talaga sya.
"scouts nalang!" sigaw naman ni clark. ehh ayaw ko ng zombie!
" lahat nalang para masaya!" sabi ni shawn na lahat naman namin pinag agree-han.

---
Gabi na kami natapos.
" babes tayo kana tulog na tayo" aya sakin ni luke.
"tinatamad akong tumayo" parang gusto ko nalang matulog.
"hays halika na nga" sabay buhat nya sakin na pang pagong kasal.
Dahil sa tinatamad na ako.. ehh aarte pa ba?!.

"oh kayong apat matulog na kayo" lahat sila ay parang zombie na tulog.
"dun kami sa garfield room mo ah! Miss ko na kase si baby garfield" inaantok na sabi ni clark.
"no! Dun kayo sa guest room" tsaka umalis na kami ni luke.

"hmm. Inaantok na ako luke" binuksan na nya yung pinto papasok sa kwarto nya.

"nandito na tayo babes. Sige tulog kana mag lilinis lang ako" saad nya at tumango lang ako.

Pag kahiga nya sakin sa kamay ay natulog na ako.
--
Nagising ako.
Pag tingin ko.
Shocks!..
Top less luke again. Towel lang ang pangsangga nya sa alaga nya.
"oh babes nagising ba kita? Sorry. Sige tulog kana ulit"
Hays topless luke lang naman matulog na nga ako inaantok pa ako.

Naalimpungatan nanaman ako kase ang kulit.

"hmm nakikiliti ako." nafeel ko na may yumakap sakin.
"dito muna ako" daing nya.
"sige" dahil sa inaantok pa ako.
"ilove you my zing" sabi nya na may halong antok.
"love you too" ewan ko kung ano na yung napag sasabi ko.
Zzzzz....

Sean P.O.V.

Oh diba may p.o.v. Ako! Hahaha pag pasensyahan nyo na.

" i love you my zing" sabi ni luke habang naka yakap kay dan.
"love you too" sabi ni danica at bumalik na sa pag tulog.

Umalis naman na ako sa pag silip sakanila. Gusto ko lang makamusta si danica.

"alam mo hindi kana nya matatandaan pa" sabi ng kapatid ko at sabay akbay sakin papunta saming kwarto.
"mas mabuti pang kalimutan mo na yung pag kagusto mo sakanya. Bata pa kayo nun kaya hindi kita masisi pero matatanda na kayo at may fiance na rin sya kaya move on nalang kapatid." ang haba ng sinabi ng kapatid ko. Siguro nga kailangan ko ng kalimutan yung kaunting pag mamahal ko sakanya at matutong humarap sa kinabukasan...

"pasok na tayo?" tanong ni kuya.
"sige" sabay tungo sa kanya...

Pero sana matandaan nya parin kahit alam kong wala na akong maabutan sa buhay nya...

Reason To All Reasons [Completed]#wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon