Chapter IV • The pain & cure

5.2K 68 0
                                    

/Jhoana/

"Bea, ayos ka lang ba? Ang tagal mo ng ganyan, parati ka nalang tulala, para ka laging may sakit. Ano bang problema?"

Nandito kami ngayon ni Bea sa comfort room ng gymnasium, tapos na kasi yung training at kaming dalawa nalang rin yung natitira dito.

Grabe, ang bilis talaga magbago ng mood ni Bea. Last week lang ang hyper niya tapos ngayon parang drained na yung energy. Hindi naman kasi masyadong open sakin si Bea, si Maddie kasi ang talagang ka-close niya. Napansin ko lang lately, na parang nag-iiwasan sila, as in walang pansinan. Dati mapapagkamalan mong may affair silang dalawa pero ngayon STRANGERS ang tingin nila sa isa't isa, invisible. Hindi ko pa to ino-open sa team, pero alam kong napapansin narin nila.

"Jho, hindi ko na talaga alam yung gagawin ko..."

"Oh? Saan ba naman kasi to tungkol?"

Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sakin, tapos nagulat nalang ako ng tumulo bigla yung luha niya.

"He-hey? What's going on?"

She hugged me, at dun humagulgol na talaga siya, the emotions that she kept inside, ngayon ko lang to nakita, ngayon ko lang siya nakitang nanghina. I can feel na talagang nasasaktan siya, nahihirapan, pero saan? Is it about Maddie?

"Bakit ba kasi humantong lahat ng to sa ganitong paraan..."

She covered her face with her both hands. Tapos after nun, tumingin siya sa salamin. She's just staring at herself, lumapit ako sakanya tapos tiningnan ko siya sa mirror.

"Tungkol ba to kay Maddie?"

Her tears answered my question. She opens the faucet, pero hinayaan lang niya yun sa pagtulo.

Gulping the pains, swallowing the pangs, but tears came out and digs upon.

"Sayang lang yung tubig, pag yan talaga naubos at nawala, hahanapin mo din yan."

She turned it. And the flow of the water stopped. Opposite situation of her tears, ipikit man niya ang mga mata niya, patuloy parin yun, walang tigil.

"Bea, ano ba talagang nangyayari sainyo ni Maddie?"

"Hindi ko rin alam, maraming nangyari, pero biglaan lang lahat..."

"Tatapusin niyo yung matagal na pagsasamahan ninyo, dahil lang diyan?"

"Ewan ko...hindi ko na alam."

Alam kong hindi iiyakan ni Bea to kung mababaw lang, alam kong gusto niya pang makipag-ayos, nararamdaman ko. Ayaw niyang mawala sakanya si Maddie.

"Sasamahan kita, puntahan mo siya. Mag-ayos kayo."

"But, how?"

"Maging totoo ka lang. Yung totoong Bea ang iharap mo sakanya."

××××××××××

/Bea/

"Tita Gregoria, si Maddie po?"

Tama si Jho, hindi pwedeng tapusin namin ni Maddie ang pagkakaibigan namin ng ganun-ganun nalang. I need to talk to her, I want to apologize. Umaasa ko na, ngayong gabi magkaka-ayos na talaga kami. I missed my Maddie, so much.

"Hindi mo siya kasama? Hindi pa siya umuuwi. Sino nanaman kayang kasama nun?"

"Hindi pa po siya umuuwi?"

I checked my phone, 8:30pm. Saan naman siya pupunta? Sa pagkakaalam ko, nauna pa siyang makauwi sa lahat. Nagpaalam kasi siya kay coach kaninang 6:30pm palang na uuwi na siya.

Yesterday, I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon