Chapter XII • Once Again II

3.2K 53 1
                                    

/Bea/

"Kapagod yung game natin kanina..." I said while getting some clean clothes on my cabinet. Kakatapos lang rin kasi ng game namin and ang masasabi ko lang, sobrang nakakapagod talaga yun.

"Sinabi mo pa..." Tapos kinuha lang ni Jho yung cellphone niya sa may drawer na katabi ng bed niya, then humiga lang siya sa may couch after nun.

"Di ka muna ba magpapalit ng damit mo or maliligo o kahit half wash lang?" I asked. Then I get my towel that was hanged on the balcony.

"After na nito, mauna ka na..."

"Hm. Okay."

So, nagpunta nako sa bathroom para mag-half wash. Then after non, I fixed my hair narin. Paglabas ko ng bathroom, ganun parin yung position ni Jho, hawak parin yung phone niya and nakahiga lang sa couch habang nakataas yung dalawa niyang paa sa may sandalan...

"Jho I'm done na. Magpalit ka na rin, matutuyuan ka pa ng pawis niyan..."

"Uhum."

Without looking at me, and with that answer. I guess, sobrang naka-focus talaga siya sa ginagawa niya sa phone niya, kung anuman yun. So, nag-decide nalang ako na mag-laptop muna sa may study table ko it's 10:35am palang, so may oras pa naman ako para tumapos ng ilan sa mga paper works ko.

And suddenly, napatingin ako bigla sa may digital clock nung laptop ko, 30 minutes na pala yung nakalipas nung nagsabi siya ng "Uhum". At hanggang ngayon nakahiga parin siya dun with her cellphone in her hands. Grabe di ko na namalayan, ano ba kasing ginagawa niya? Gaano ba kasi yun ka-importante para dedmahin niya lang ako?

" Jho?" I looked at her, and sa pagtawag ko sakanya hindi parin siya tumatayo or gumagalaw man lang, so ibig sabihin dedma ulit.

"Umm?" Nakakawalang gana lang talaga.

"Magpalit ka na ng damit mo..." I did not rise my voice, baka kasi isipin niyang nagagalit ako or what. I just made my voice colder para naman mahalata man lang niya na wala nako talaga sa mood.

"Uh..umm." But this time, medyo nararamdaman ko na yung blood ko na tumaas na yata hanggang sa noo ko. So, tumayo nako para malaman man lang kung ano yung ginagawa niya. Para sana malaman ko na din yung dahilan ng "uhum" niya.

So nagpunta nako sakanya, di man nga lang niya naramdaman na nasa harap na niya ko kanina pa. I tapped her shoulder pero dedma parin siya, kaya ayun no choice nako, I grabbed her phone and napatayo siya dahil dun.

"Bea?! Akin na nga yan!" And there she is. Kala ko 'Uhum' nanaman yung isasagot niya sakin e.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Parang di mo ako naririnig kanina pa e." Then pilit niya lang inaagaw yung phone niya kaya wala rin akong chance para makita kung ano yung activity niya dun.

"Basta! Akin na kasi yan! Just give it to me! It's none of your business Bea!" And yes, galit na nga talaga siya.

"Di mo naman kailangang sumigaw Jho. Nagtatanong lang naman ako kung ano yung ginagawa mo!? Yun lang. And fine! I'm your girlfriend, and it's none of my business, wow..." And yun na nga, di ko na kasi talaga napigilan yung sarili ko. Binigay ko nga sakanya yung phone niya, but not in the nice way. After nun, di ko na tiningnan pa yung reaction niya, dumiretso na agad ako sa may door. And It takes 3 seconds for me to finally go outside, nagdalawang-isip pa kasi ako kung magso-sorry ba ko or what. Pero hindi ba, dapat siya? Hay nako, bahala na nga.

"Gahhddness!" Nasa hallway nako ngayon pababa sa living room. Grabe sobrang lakas talaga ng tibok ng puso ko ngayon, it's our FIRST FIGHT. And duh? Just because of a CELLPHONE? No it's not about that, it's about how she acted lately.

Yesterday, I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon