Nasa media ang song na TERRIFIED ni Katharine McPhee (Ft. Zachary Levi). Play it if you want. I'm also pasting the lyrics. Please comment a word or two. Vote if you like the chapter. TY! {{neko-chan}}
SHOT 39: Hearts in Efflorescent Motion
Alto Escavari. School mate ko sa Autumn Strike College nung high school. President ng Journalist Alliance Club doon. Workmate ko ngayon at katunggali sa Photography Competition. Siya na rin ang baliw na naghanda ng makapigil hiningang dinner para sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang mag-effort, ng ganito pa kabongga.
Seriously, my words cannot describe this. I don't want to give understatements. Andoon siya at nakaupo sa harap ng mesa na lumiliwanag sa gitna ng madilim na silid kung nasaan ako ngayon, at nakatingin siya sakin na tila nag-aabang. Background ang occasional na pagkislap ng kung ano mula sa paligid.
He stood up and I stepped. Hinayaan ko nang mapirat ang mga rose petals na nagkalat sa aking paanan. Mayroon ding mga baby candles na nagsisilbing ilaw sa paghakbang ko. Sa kanya ako nakatingin ng isang classic na musika ang pumailanlang sa paligid.
Siya na talaga ang hari ng kakornihan at kakesohan. Babansagan ko na siyang King of Corns mula ngayon. Pero kidding aside, I could say that he was also the most unbelievable person I met. Effective niyang naialis sa isipan ko yung nangyari kanina nung kumidlat. And this resplendent place, the nice clothes, the lovely music, hindi ko ito inasahan. Aaminin ko na kahit ang pagdating niya sa buhay ko ay hindi ko rin inasahan.
Nakapagtataka. Patuloy ko ngayong binabagtas ang patungo sa harapan niya. Mabilis ang pagtibok ng puso ko ngunit humahakbang parin ang mga paa ko ng walang tigil kahit dahan-dahan. Parang isang bride na papunta sa harap ng altar kung nasaan ang groom niya.
"You look great, Cynth. Masaya talaga ako at pumayag kang samahan ako sa dinner na ito."
I heard his dreamy, serene voice once I reached him. He held my hand and pressed a soft kiss on it.
I blushed as he looked up at me, while trying to ease the butterflies fluttering in my stomach. "Ako naman, hindi ako makapaniwala," pag-amin ko. I looked half away. Parang hindi ko parin kaya ang mga nagaganap ngayon. Hindi ba sa mga palabas lang sa TV ito nangyayari? O kaya sa mga pocket books?
This was just unearthly romantic, terrifyingly enchanting. Kung pahihintulutan lang ng pagkakataon na mag-collapse ako ngayon ay malamang kanina pa iyon nangyari.
I gazed at the lovely round dinner table. Napalilibutan ito ng matataas na floral arrangements. Atop the table, mayroon ding floral centerpiece at candle lights. Maayos ang pagkakapatong ng mga nagkikintaban at mukhang bagong mga kubyertos sa isang placemat na tela. Ang table napkin naman ay naka-fold na tila isang ibon.
I smiled seeing those. Hindi ko talaga mapigilan. If these were not all for me, I already jumped excitedly and took Cammy out for some shots.
"Cynth ... tara umupo?" tawag niya. He held my hand and escorted me to sit. Feeling ko isa akong prinsesa. Siguro pwede ko nang tawagin ang sarili ko na Cynthderella? Wahaha! Jowks!
"Thank you ha, Mahal na Prinsipe." I smiled at him. Medyo nahiya naman siya sa sinabi ko.
He took his seat in front of me. He flashed his smile again as he gazed right into my eyes. "Mukhang nagustuhan mo ah. Para talaga sa'yo ang lahat ng iyan."
I gulped. "Ah ... hindi ka dapat nag-abala. Ayos na ako sa ordinaryong dinner. Pero totoo ... nagustuhan ko nga."
I bashfully smiled back. My racing heartbeat's not faltering. Nakuha na yata nito ang energy ko para makahinga pa ng maayos. I tried to breathe down. At nagawa ko.
BINABASA MO ANG
Capturing My Heart ♥
Чиклит[ON-GOING OFFICE ROMANCE] Pathetic bang maituturing if I'll wait for the guy I like? Walang communication, walang news, ni anino, wala. Sa pictures ko nalang siya nakikita. Either way, I miss him so much. But ... what if sa hindi ko inaasahan ... m...