SHOT8: Wasted

336 13 6
                                    

Konnichiwa! Sa mga nagtatanong kung sino si Sigmund, wag mag-alala, di siya karibal ni Alto. Hehe. Here's SHOT8. Enjoy reading? {{neko hiraite}}

SHOT 8: Wasted

My day-off has ended. And now I'm back at work. Inagahan ko talaga ngayon, baka maabutan pa ko ni Alto. Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero ... parang ganun narin pala yun. Nakukulitan din kasi ako dun, kahit mabait. I don't know why ... pero parang mas trip ko na iwasan siya.

Naglalakad na ako to our office, nasa loob na ko ng building sa ground floor. Matao parin sa hallway, ganto talaga pag umaga eh.

"Good morning Cynthia!" I heard a girl's voice, then I turned around. Naka-smile siya sakin habang papalapit siya. I don't know her name but I've been seeing her face sometimes.

"Good morning din," bati ko as courtesy.

"I'm Clarissa. Ikaw si Cynthia, tama? Marami akong naririnig na stories tungkol sayo," pakilala niya na sinagot ko naman ng "Yes. I'm Cynthia. Nice meeting you."

Anooooo? Naglo-loading pa yung utak ko eh. Pero tama ba yung narinig ko?

"A-anong stories naman yun?" tanong ko na may pilit na ngiti. I need explanations. But she only answered me with a big smile.

Anong ibig sabihin nun?!!

"Hindi. Wala, basta. I've heard that you're nice," sabi niya. Aaahh ... nice daw. For sure hindi yan galing kay Denise. But I'm still curious.

"Kanino mo naman narinig?" Uhhh ... I need to know!  I'm dying to know!!!

"Secret!" Bakit?! Sino ba kasi?? Speak up...!

"Basta, someone who likes you," dagdag niya then she made a wink.

Someone who likes me?  Like? What does that mean?! Aisht. Ewan, ayokong mag-isip.

"Ahhh ...," napatango nalang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin eh.

Nagsabay na kami papuntang 2nd floor. Dun rin daw kasi ang office niya.

Haiiss. Pinag-iisip ako ng babaeng to eh.

Clarissa ...

Mas matangkad ako sa kanya. Then she got slender body. Meron din siyang long, straight hair, na reddish. Tama, red ... gaya nung sakin, only that hers got a hint of brown. Simple lang siya, with her light make-up and lip gloss. At siguro, hindi kami nagkakalayo ng edad, mga 21 years old? And mind you guys, she's cute! She's wearing this floral patterned blouse na manipis atop a white plain tube. Mahaba ang laylayan nito which somewhat covers her skirt. Too nice wala kaming dress code, basta disente ayos na.

"Cynthia?" she called me.

"Bakit?"  tumingin ako sa kanya.

"May entry ka na para dun sa Photography Competition?" she asked.

I blinked.

Entry? Para sa competition?

Then my eyes turned wide.

OMG!!! I TOTALLY FORGOT!!!

Bigla akong nataranta.

I stummered, "S-saglit ... kelan ba ang dead line nun?"

No! Why did I forget? Anong date na ba ngayon?!

I rushed to the bulletin board, and she followed. Pagdating ko sa tapat nito, tumigil ako sa pagtakbo. Medyo napalampas ako, kaya with my agility bumalik ako agad.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon