Previously: ALTO'S POV: Ayun! Nandun siya, nakaupo sa sofa. Napatigil ako saglit. Bat ba ko kinakabahan ngayon? Ayon siya oh! Naghihintay sakin.
I breathed deeply ... then I started walking to her.
= = = = = = = = = = = = = =
SHOT 12: At the Main Office
ALTO'S POV
"Cynth," tawag ko sa kanya, then she turned her head to me.
"Uy, Alto," sabi niya pagkalingon sakin. Haiss ... tinawag niya rin ako sa wakas!
"Ihatid raw kita sa Main Office," sabi ko sa kanya. Now I'm just a yard away from her.
"Uhm ... ganon ba? Sige, tara na," she stood up at sinabayan ko siya palabas.
We headed to my car at the parking space. Tapos sumakay kami. I wordlessly started the engine.
"May problema ka ba, Alto? Kung ayaw mo naman, magco-commute nalang ako," sabi niya with furrowed eyebrows.
"Hindi, wala. Gusto ko nga eh. Na-miss lang siguro kita," pag-amin ko. Ang honest ko talaga.
"Sus! Me paganyan-ganyan ka pa ha! Mag drive ka na nga lang jan," sabi niya, na nakangiti.
Ewan. Bat ba ang awkward ko ata ngayon sa kanya? Mukhang masaya siya ngayon. Bakit kaya?
"Ba't daw ... kelangan mong pumunta sa main office?" mahina kong tanong habang nagda-drive, na agad niyang sinagot.
"I'm meeting with a client, kaya nga excited ako eh. Isa pa, ngayon lang ulit ako makakapunta dun."
I nodded, "Alam mo kung para san?"
"Nope. Pagdating ko dun, malalaman ko."
CYNTHIA'S POV
Yown! PoV ko na ulit! Si Miss Author kasi, favorite yung isa jan! Hmph!
[Hiraite: Hehehe. Favorite lang pagtripan, Cynth-chan! n__n ]
Kasama ko ngayon si Alto. Nasa loob ako ng kotse niya. Kaso ... nakakapanibago yata. Bat parang may iba? Madalas energetic siya diba? Baka naman tampo to sakin. Di kasi ako makapagreply sa texts niya. Wala akong load! Buti binigyan ako ni Dad kanina.
Hmmm... Asar oh! Bakit ang tahimik neto??? Parang mayroon siyang malalim na iniisip ...
"Alto," tawag ko sa kanya. Kaso parang hindi niya ako narinig. Walang response eh.
"Alto ...," tawag ko ulit. Aba, aba. Ayaw mo kong pansinin ha?
I made an evil smirk.
May isang napakagandang ideyang pumasok sa aking utak kaya humarap ako sa kanya at nag-ipon ng hininga.
I exclaimed with all the energy I got:
"Alto, Soprano, Tenor, BASS!!! "
Nanlaki ang mga mata niya at nadistract siya sakin.
At ako naman, sobrang laki ng ngiti ko.
Nyahahah! Buti nga sayo! Nagulat siya sa sigaw ko. Yan ang napapala ng mga hindi pumapansin sakin!
"C-Cynth ... bakit?" tanong niya and he's still startled.
"Wala lang. Ang tahimik mo kasi," I smiled at him sheepishly.
BINABASA MO ANG
Capturing My Heart ♥
Literatura Feminina[ON-GOING OFFICE ROMANCE] Pathetic bang maituturing if I'll wait for the guy I like? Walang communication, walang news, ni anino, wala. Sa pictures ko nalang siya nakikita. Either way, I miss him so much. But ... what if sa hindi ko inaasahan ... m...