SHOT21: A Dramatic Confrontation

252 9 4
                                    

SHOT 21: A Dramatic Confrontation

CYNTHIA'S POV

Si Denise, lumabas nalang siya ng office. I was worried. Para kasing hindi maayos ang lagay niya. Bakit ba kasi?

"Anong nangyari dun?" tanong ko habang nakatitig parin sa pinto. Kadadating lang ni Denise tapos aalis agad? Nang hindi nagsasabi kung saan siya papunta? Pasaway talaga yun.

Nagpakawala ng isang buntung-hininga si Carl. "Isa lang ang naiisip kong dahilan, Cynthia...," bulong ni Senior.

"Oh ... ano yun?" Lumingon ako sa kanya.

"Malamang eh ...."

I raised an expectant eyebrow. "Malamang ayyyy ...?"

Senior naman! Sabihin mo na oh. The suspense is already killing me! Speak up!

He turned his head to me with a serious face. "Malamang ...."

I gulped. Ano? Ano nga? Anong nangyari kay Denise? Sabihin mo naaa!

He sighed again and finally blurted out, "Malamang hindi natunawan yun sa date nila ni Alto."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng mokong na ito. Si Senior, natutuwa pang pagtripan ako?

"Senior naman! Seryoso ako eh!" reklamo ko sa kanya. I pouted afterwards.

"Haha! Joke lang, Cynthia." Kasi naman!

Nag-serious face ulit siya. Hmph. Di na gagana yan sakin. Seryoso siyang nagwika habang nakatingin sa desk niya, "Siguro ... binasted na siya ni Alto kaya ganun yun."

I blinked. "Bi-binasted?"

He looked at me at nagsalita sa isang diretsong tono, "Ano pa ba'ng pwedeng dahilan maliban sa heart break?"

I gasped at the realization. Magkasama nga sila kahapon. Malamang si Alto nga. "Bakit niya ginawa yun? Ang sama niya!"

I hurriedly stood up from my seat.

"Saan ka pupunta?" he panicked.

"Kelangan ko siyang sundan. Baka kung anong gawin nun."

"I don't think you need to. Maiinis lang yun lalo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pero kelangan kong puntahan si Denise. Partly, it's my fault kung ganun nga ang nangyari. I let out a deep breath. "Bahala na."

Umalis parin ako. I need to find her. Kasi naman si Alto. He's insensitive. Tama ba yun? Hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ni Denise.

Denise ... nasan ka na ba?

Palingon-lingon lang ako sa paligid when I suddenly stopped.

Si Denise. Lumabas siya ng restroom and maybe she's heading back. Napansin niya ako at napatigil din siya. I stepped closer to her, but hesitantly.

"De—"

"Wag kang lalapit sakin." Hindi ko na natapos ang pagtawag ko sa pangalan niya. Mukhang seryoso ang mukha niya at galit siya sa kung ano mang nangyari. I looked at her eyes and ... napagtanto kong umiyak ata siya.

"Denise!" I called in desperation.

Tumalikod siya sakin at nagsimulang maglakad, kaya nilapitan ko na talaga siya and grabbed her wrist. She looked away at kinausap ko siya. "Tell me what's wrong. Denise naman, sabihin mo na sakin kung anong nangyari sayo."

Nakita ko pa ang pagbusangot ng kanyang mukha. "Ano ba'ng pakealam mo?" maanghang niyang tanong then she hissed under her teeth. Halatang galit ito. O masama ang loob. But still, I have to know. I'm dying to know.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon