Hello sa inyo! Bago ang lahat, gustong magpasalamat ni hiraite sa mga votes, comments, violent reactions, at suggestions na binibigay nyo sa CMH♥. All of them are so much appreciated. Here's the third shot. Enjoy reading?
SHOT 3: My Name is Cynthia
12:00 PM. Ibig sabihin, lunch break na. Nagsitayuan na ang mga kasamahan ko sa opisina. Ako busy pa.
"Oy, Cynthia, lunch na tayo," tawag ni Carl sakin while he's in front of my table. "Tama na muna yan," dagdag pa niya.
"Oo, saglit nalang to," sabi ko without looking at him. I'm preoccupied eh at ayokong paistorbo.
Apat kami dito sa office. Si Carl, ako, a guy, and another girl. Yung seat ko malapit lang sa pinto. Yung sa dalawang lalaki naman, nasa inner part ng rectangular namin na office, mas malapit lang sakin si Carl at katapat ko ang isa pang babae na kaopisina namin.
Eventually, bumukas yung pinto and from the outside yung nagbukas.
"Hi!" masayang bati niya. At boses yun ni ... isip isip ... who owns that familiar voice? Biglang may bumukas na light bulb sa imaginations ko and a four-letter word, or let's say, a name popped in. It says...
ALTO.
Napatingin tuloy ako despite my busyness. Ngayon lang ulit kasi siya nakisabay sa tinagal-tagal na naming magkasama sa building na to.
"Altooooo!!!" sabi ni Denise habang dali-daling lumalapit kay Alto and she clutched his arm na nanlalambing. Si Denise yung sinasabi kong female office mate ko. I think she's younger than me. Or magkasing-edad lang kami. Ewan.
"Hi, Denise," bati niya with a smile.
"Alto, sabay ka na SAKIN mag-lunch?" sabi ni Denise, emphasizing na sa KANYA lang talaga.
"Sure," sabi ni Alto na nakangiti parin, tapos humarap siya sakin, "Ano Cynth, sabay ka na rin?"
"Ah ... una na kayo. Tapusin ko lang to," pagtanggi ko without any hint of interest on my voice. I looked at my opened folders again bilang tanda na pinapaalis ko na sila.
But Alto didn't seem to get what I meant as he told me, "May time pa para diyan mamaya, Cynth. At saka ... mas masarap magtrabaho kung hindi ka gutom," pinipilit parin niya ko.
"Alto namaaan, hayaan mo na siya," pag-disagree ni Denise with her ever-sweet tone, pero pag kausap lang niya si Alto.
Sige Alto, makinig ka kay Denise. Busy pa ko.
I glanced at the guy but he was giving off an unconvinced face. Pumiglas siya sa kapit ni Denise then he took my arm na para akong hihigitin. Nagulat ako dahil don. At dahil malakas siya sakin, nahigit nga niya ako. Muntik na akong mapatayo sa kinauupuan ko.
"Tara na, Cynth? " he asked with a big big smile. Haaay... Naku Denise, di ka effective.
"Oo na. Since nagmamakaawa ka." I lazily stood up while closing my files atop my desk.
"Oh, diba? Napatayo karin?" nakangising bulong sakin ni Carl habang pa-walk out na sa opisina namin.
Oo nga eh. Wala akong nagawa. Si Alto kasi. Bakit ba ang hirap tanggihan ng lalaking to? May ginagawa pa ko eh. Haiss.
Hindi ko kasi matiis, sipag ko talaga. Kaya nga pinag-aagawan ako ng mga employer eh.
Hihihi. BIRO LANG! Fresh grad ako diba? First work ko to. Pasalamat talaga ako dun sa thesis adviser ko at the same time eh chairperson ng department namin nung college. Kung anu-anong pambobola ang sinabi niya dun sa employer about me when they called for character reference. Guess kung anong sinabi ni Maam?
"Cynthia Myoneal? (/ma-yo-nil/) ... She's a very hard working girl. She's a fast learner and is very responsible. In fact, she's an officer of the Central Student Body. She is ... also someone who never stops working unless her work is finished. She's very talented. You won't regret hiring her!"
BOOOOOM!!!! Nice one, Maam! She said that with a smiling voice. At bonggang kasama niya ko nun. Heheheh. Kaya nga labs na labs kita Maam eh!
But if you're gonna ask me or someone else who knows me, hindi naman bola yun. It's the truth. Hindi sa pagmamayabang. Sa skul nga namin, ako yung laging walang time para gumimick.
***
We went straight at the cafeteria. Affordable naman dito, saka masarap din ang foods, parang lutong bahay lang, hindi tipid sa lasa. Isa pa, kasama DAW yun sa benefits namin eh.
We seated around the table (yes, it's a round table) after we got out orders.
"Okay guys. Let's pray!" sabi ni Carl, hehe, good boy talaga. Siya narin ang nag-lead ng prayer.
"Amen," sabi naming lahat.
Katabi ko si Carl, saka si Alto sa kanan ko. Then katabi ni Alto si Denise. Then after ni Denise si other guy. Si Alto lang pala ang galing sa kapit bahay ah? At least di siya O.P. Andito si Denise eh. She's flirting with him.
We started eating. At matahimik lang ang lahat. Gutom eh.
Moments later, tapos narin silang kumain gaya ko. Medyo nagpapahinga lang kami. I leaned my back sa sandalan ng upuan ko. Sarap kumain eh. Satisfied!
"Nga pala ...," nagsalita si Carl, he's my senior and he's older, mga magkasing edad siguro sila ni Alto. "I've heard that there's a coming competition...," pagpapatuloy niya, "Against all the photojournalists dito sa company. So that means kasali kayong dalawa, right?" tinutukoy niya kaming dalwa ni Alto.
"Yes, I'm in," sagot ko naman.
Alto smiled, "Good luck sating dalawa ha, Cynth?"
Ayan na naman yang smile niyang abot tenga. Mukha ka nang aso niyan!
It made me look at him with a light glare. "Bakit ba Cynth ka ng Cynth diyan? It's Cynthia," sabi ko while pouting. Tama, nagrereklamo ako sa pagbibigay niya sakin ng nickname.
"Wag mo nga akong bigyan ng nickname," I continued.
"What's wrong with Cynth? Ang cute kaya," depensa niya.
Kasi naman, tamad ba netong magsalita. Cynth daw eh Cynthia naman!
"Cute ba yon? Tawagin kaya kitang ALT!"
Nanlaki ang mga mata niya bilang response sa sinabi ko. Natawa ako dahil kinagulat niya yun. Kaya naisipan kong sundan ng isa pa...
I gave him an evil smirk and exclaimed, "Alt ... Del ... Shift ... ENTER!"
Nyahaha! I'm an evil genius!
His mouth is gaped open. Hindi siya nakaimik. Speechless ba? That sight made me giggle. Tuwang-tuwa naman ako sa panti-trip sa kanya.
I expectantly glanced at him again after all my giggles. Sa hindi ko inaasahan niyang reaction, he sighed.
"Ayan, kala-lap top mo tuwing gabi," sabi niya in monotone na naka-poker face.
Haaah? Pano niya nalaman yun?! Asar oh, STALKER talaga. Saka saglit, ba't di manlang siya nainis? Isn't it effective? Hindi ako successful sa trip ko?! Tsss.
He smiled, "Lagi ka kayang on line. Naka offline lang ako," paliwanag niya.
Phew. So kaya pala. Nabasa ba niya isip ko?
He looked at me, closer, "Basta Cynth ... Let's do our best for the competition. I know. Malaki ang chance mong maging finalist." Then he winked at me.
Natigilan naman ako dahil dun. Che. Eh nanjan ka kaya. You're a great competition, kung alam mo lang. I looked away, "Yeah, salamat. Although it's no need for you to tell that. Ikaw din, galingan mo."
= = = = = = = = = = = = = = = = = =
Keep reading po!!! Vote? Comment? ♥
BINABASA MO ANG
Capturing My Heart ♥
ChickLit[ON-GOING OFFICE ROMANCE] Pathetic bang maituturing if I'll wait for the guy I like? Walang communication, walang news, ni anino, wala. Sa pictures ko nalang siya nakikita. Either way, I miss him so much. But ... what if sa hindi ko inaasahan ... m...