SHOT 2: Off to Work
I'm riding with Alto inside his car. He's driving silently, when I started the conversation. Hindi ako sanay sa awkward.
"Ah ... tanong ko lang ...?" I said while looking away, gazing at the blurred surroundings sa bilis niyang magpatakbo. But with no worries, mukha siyang sanay nang magdrive. Siguro college palang may kotse na siya kaya ganun. Hindi narin nakapagtataka. Big time nga diba?
"What is it, Cynth?" sagot niya with an eager tone pero sa kalsada parin ang tingin.
"How'd you learn my place?" Tanong ko sa kanya. Wala lang, curious lang ako. Wala akong maalala na sinabi ko sa kanya kung san ako nakatira eh.
Inaasahan kong sasagutin niya agad yung super seryoso kong tanong sa kanya pero natigilan siya sandali and for heaven's sake, narinig ko siyang tumawa ng konti. Oha, lakas ng pandinig ko no?
But suddenly, may na-realize ako na nagpabilog sa mga mata ko.
Heeey. Tumawa siya. Tinawanan niya yung super-duper serious question ko. Anong nakakatawa???
"Why? Hindi naman kayo naglilipat ng bahay ah," he told me in a happy tone. Okay, that answered much. So alam talaga niya na yun yung house ko. Whoa. Since when pa niya alam?! Loko to. Ano ka stalker ko?
"Ahhhh ... oo nga," saad ko, kunwari hindi ako nagulat.
Pinihit niya ng konti yung convex na rearview mirror then he looked at me through it.
"Alam ko na yun since high school pa tayo. Tapos ngayon, dito pa ang daan ko papasok. Ayos diba? Pwede kitang ihatid araw araw," sabi niya after explaining things.
Alam na pala niya since high school pa kami. Hindi nga? Stalker nga ata kita. Scaryyyyyy!!!!
Joke lang. As if naman no. Si Alto yan eh. Alam niya lahat. Kahit katiting na detail napapansin niya.
Photojournalist din siya gaya ko. At sa hindi ko inaasahang pangyayari, nag-apply ako sa kumpanya kung san siya nagwo-work. Promise, di ko intention yun. Nagulat nga rin ako eh. Coincidence lang. If there is such a thing as coincidence.
Half a year na ko dito, at siya naman ... Basta, sa pagkakaalam ko, nauna siya sakin ng mga isang taon. Pareho kaming fresh grads nung mag-apply pero ayon, tanggap agad. Swerte no? Well I can brag naman na magaling talaga ako! Nyahahah!
"Cynth?" bigla niyang pagkuhang muli sa aking atensyon. Eh ... oo nga pala, magkasama kami.
Kahiya tuloy.
"Ano ... wag na. Ayokong magpahatid eh. Ngayon lang talaga," I refused while shaking my head. Naiilang kasi ako. He's a guy, I'm a girl. Baka mapag-tsismisan pa kami. Lalo na't kuta ng mga tsismoso at tsimosa yung opisina namin.
"Why? Ayaw mo non, libre pamasahe ka na." Eto naman oh, namimilit pa! But yeah, he got a point. It would be beneficial to me. Bawas gastos din yun sakin. Eh sa kanya? Is there any benefit for him?
I sighed. "Hindi nalang. Isa pa ... hindi naman kita manliligaw no," I told him half-mindedly, habang kinakalikot ko si Cammy.
Beep. Beep. Tunog ito ni Cammy. Loading ....
Ow em! Ano bang sinabi ko?!
Rewind, rewind. Did I just say ... 'hindi naman kita manliligaw no.'? Sa pagkakakilala ko sa lalaking to, may kung ano na naman siyang pambanat. For sure he will blurt a comeback. Aist! Daldal ko kasi.
Ngumiti siya. Ako naman, napalunok. Tapos huminga siya ng dahan dahan. He opened his mouth to make a reply. "So ... gusto mong—"
"Kalimutan mo nalang," pagputol ko sa sasabihin niya, baka kung ano pang lumabas sa bibig neto eh. At effective oh, natigilan siya. Phew!
BINABASA MO ANG
Capturing My Heart ♥
Chick-Lit[ON-GOING OFFICE ROMANCE] Pathetic bang maituturing if I'll wait for the guy I like? Walang communication, walang news, ni anino, wala. Sa pictures ko nalang siya nakikita. Either way, I miss him so much. But ... what if sa hindi ko inaasahan ... m...