"Remember, happiness doesn't depend upon who you are or what you have, it depends solely upon what you think." -- Dale Carnegie
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
SHOT 33: Heart Throb's Dilemma
This guy was really familiar. Napatigil ako sa medyo gilid niya trying to remember when did I see him. He lifted his head up and his eyes met mine. He smiled, "Cynthia?"
buh dumph buh dumph buh dumph
Eto na naman. Ganito na ba ako kasikat? It felt like a deja vu. He stood up. "Hindi mo na ako tanda ano? Ako to, si William ... yung kuya ni Jun." He offered a hand for me to shake. Saglit lang. William? Jun?
I looked at his hand—at parang isang malakas na alon ng tubig ang humampas sa akin nang maalala ko na. Siya nga yun! Yung kuya ng pasaway at cute na cute na batang si Jun, yung napulot ko dati sa park when I was desperate on capturing a photo for the competition's preliminaries! He also offered me a handshake back then.
"Tama! Ikaw nga yun! Kumusta na si Jun?" I shook his hand and he offered me to sit, which I accepted.
"Makulit parin. Madalas ka ngang itinatanong. Nasaan na daw yung mabait na ate dun sa park na binilhan siya ng green na lobo." Napangiti ako. Ang sweet ni Jun! Miss ko na siya.
"Ahh ... ganon ba? Ano nga palang ginagawa mo? Mukhang busy ka eh."
"Hindi. Tapos na to. I'm delighted to see you again. Nakakatuwa dahil ikaw pa yung photographer namin."
"Ha?" Kinagulat ko yung sinabi niya. "Kasama ka pala dun? Sa Mythalia? Ano ka dun?" atat kong tanong. Sumilip ako sa laptop niya to get a clue ngunit desktop nalang ang nakita ko. Naka-close na yung mga files niya. Amph.
"Basta. Nabalitaan kong naging maayos ang photo shoot. Na-impress nga sila sayo eh. They said that you're surprisingly good. In fact, we hoped that you could work with us again, Cynthia," he smiled which flattered me. I really impressed them. Seryoso? Pati kaya yung creative director dun na terror? Errrm ...
"Talaga? Hindi ko yun inaasahan ah. I just ... did my job."
"And you did it great. Hindi ko alam kung paano ko maipapakita ang pasasalamat ko sa'yo." Siguro mataas ang posisyon nitong taong to. Ang formal niyang magsalita about the photo shoot.
"You're welcome," tugon ko.
"Kung gusto mo, maging resident photographer ka nalang namin," he offered. "We're more than willing to accept you here, Cynthia." Whoa. Hindi ako makapaniwala. He's offering me to be Mythalia's resident photographer? Wahaaaw! Cynthia, you're da man!
Pero hala, ano'ng sasabihin ko? "Ahm ... ano ... kasi ...."
"Kung ayaw mo ... ayos lang." Aist? Binawi agad?
"Hindi yun ang ibig kong sabihin." Nahiya tuloy ako. "Kasi ... hindi naman photography ang tinapos ko." Mahirap to ah. Hindi ko pwedeng basta iwan ang sariling company. I needed to have a good excuse. Baka sumama pa ang loob neto sakin.
"Talaga? Eh ano pala?"
"Journalism ang major ko. Subject ko lang ang photography. Yung mga ibang alam ko, sariling sikap na yun. Hilig ko kasi talaga," paliwanag ko.
He seemed to understand it, and he smiled. "I see. Nakakatuwa ka pala. Siguro hindi ka parin handa na umalis dun sa company niyo no? Sa bagay, prestihiyoso rin ang kumpanya na yun." I shrugged and he seemed to understand it too. He offered me to order something pero tumanggi ako telling him I already had.
BINABASA MO ANG
Capturing My Heart ♥
Chick-Lit[ON-GOING OFFICE ROMANCE] Pathetic bang maituturing if I'll wait for the guy I like? Walang communication, walang news, ni anino, wala. Sa pictures ko nalang siya nakikita. Either way, I miss him so much. But ... what if sa hindi ko inaasahan ... m...