Dedicated ito sa isa sa aking mga readers at personal friend na si letheriver. Feel free to read her stories too. Maganda pramis. Para mag-update na yan tamad mag-update eh! Hahah..
SHOT 13: Good Luck
ALTO'S POV
I was currently driving my car. And Cynth's with me. SWERTE. Ako ang ini-asign ni Sir para ihatid siya. Ayos palang maging company driver basta si Cynth ang lagi kong ihahatid.
Kaso ... sa main building nga pala kami. Sana lang hindi ko makasalubong yung mga taong yun. Meron din kasi akong iniiwasan dito eh. Sana ... sana talaga wala SILA ngayon. I couldn't help it pag nagkita kami ulit. Siguradong wala akong takas dun kung sakali.
Ewan. Basta kasama ko si Cynth ngayon. That's enough for me.
"Alto...." Haiss. I'm still hearing her voice calling my name. Tagal ko rin tong na-miss.
"Alto ...." Ano ba tong utak ko, ang kulit kulit.
"Alto, Soprano, Tenor, BASS!!!!" Saglit, iba na to ah.
I looked at her. And she's REAL! Nakaharap na siya sakin with her goofy smile.
Stupid. Siya pala talaga ang tumatawag sakin! Kailan pa naging magkatunog ang reality at fantasy?
"C-Cynth ... bakit?" Shete, nag-stammer pa ako. Nakakahiya to. Ano bang iniisip ko kanina? Ginulat niya ko dun. Nakalimutan ata niya na nagda-drive ako. Buti nalang magaling akong humawak ng manibela.
"Wala lang. Ang tahimik mo kasi," sabi niya sakin na may malaking ngiti.
"Ah ... sorry. May iniisip lang ako." Kung kailan magkasama kami saka ako nagkakaganto oh. Kelangan ko talagang bumawi mamaya, for my own sake ... and for the reader's sake narin.
Pagdating namin sa main building, diretso kami sa Desk. Tatawagin lang daw niya yung si Miss Alexis tapos pinaupo na kami sa lobby. Maya maya lang ...
"Hey!" Hey? Familiar yung boses. Pero ... ayokong lumingon. Kaso nilingon ko narin, hindi naman ako suplado.
"Ikaw pala yan Alto. Long time no see," sabi niya sakin.
"Oo nga eh. Ngayon lang ulit nakabisita." Walang interes ko siyang nilingon. Hindi naman sa ayoko siyang makita pero wag sana ngayon. Madaldal tong lalaking to baka kung ano pang sabihin tungkol sakin.
Napatingin siya kay Cynth then he asked me if she's my girlfriend. Hehe. Sana nga Tyler, SANA.
"Ah ... si Cynth nga pala," sagot ko. Nagpakilala siya kay Cynth tapos ...
Narinig ko siya na sinabing "Ang swerte naman pala ni Alto, meron siyang cute na workmate."
Haha. Inggit ka no? Swerte ko talaga!
BINABASA MO ANG
Capturing My Heart ♥
Chick-Lit[ON-GOING OFFICE ROMANCE] Pathetic bang maituturing if I'll wait for the guy I like? Walang communication, walang news, ni anino, wala. Sa pictures ko nalang siya nakikita. Either way, I miss him so much. But ... what if sa hindi ko inaasahan ... m...