SHOT28: Frenzied Vision

223 10 2
                                    

Think it's too late? Oo, sa tingin ko rin. But TA-DAH! Hiraite got a trivia about Alto's name. Paano nga ba naging Alto ang pangalan ni Alto? Kung hindi ka interested, skip ka nalang. xD Nagsimula nung high school nang malaman kong alto ang pitch ng aking boses. Bored as hell, sinulat ko yun sa likod ng isa sa aking notebooks in cursive. Mahilig akong magdrowing at magsulat ng kung anu-ano sa likod ng notebooks ko. Nagkataon lang na may ginagawa rin akong 'manga' noon. Ibig sabihin may drawings. (And Cynthia is a minor character.) Another boring moment nung maisipang kong magdrawing ng isang guy, pampalipas-oras. I started with the face, hair, neck, pababa. Kaso napatigil ako nung napansin kong hindi ko na maitutuloy kasi may nakasulat na sa ilalim nito. And guess what? Yung yung sinulat ko dati na 'Alto.' I decided na gawin rin siyang character nung manga ko with 'Alto' as his name, and also part of the Journalist Alliance Club where Cynthia is. xD Yun lang! Eto na ang SHOT 28!   {{neko hiraite}}

Previously: Naramdaman kong iginala niya yung daliri niya sa aking batok. And now it's up behind my ear. Chills run throughout my body and I guess it's from her touch. It feels gentle yet it's seductive as well.  >>Alto

SHOT 28: Frenzied Vision

ALTO'S POV

Gagantihan ko ba o hahayaan ko nalang? Takte, ano ba tong iniisip ko? Siguro binabalak lang niyang kilitiin ako. Walang ganyanan!

I needed a comeback that's why I smirked, "Cynth. Wag naman dito, maraming makakakita satin," pabulong kong biro. I felt her hand backed off a bit at may gulat na rumehistro sa kanyang mata. Ayos! Effective.

"A-ano ba'ng—" nasa buhok ko na ang kapit niya when she tightened her seize. Mukhang nag-panic siya sa sinabi ko. "Eh ... umayos ka kung ayaw mong masaktan."

Ngumiti nalang ako, "Sige, basta ikaw. Sabihin mo lang kung saan."

Tumalas yung tingin niya sakin. Tapos parang may naisip ulit siya at nag-smirk with her eyes.

buh dumph  buh dumph  buh dumph

Matagal pala ang ten minutes. Ilang minuto nalang ba? Baka mamaya biglang tumunog ang timer at maputol ang kung ano mang balak niyang gawin. Sa totoo lang, medyo inaabangan ko pa nga. Ngunit posibleng mawala sa mga mata niya ang tingin ko at matalo ako sa game na ito. Ano bang uunahin ko?

buh dumph  buh dumph

"Naks naman Bro! Pumi-PDA na kayo ni  labs ah!"

Napabitaw ulit si Cynth ng konti pero hindi parin niya inalis ang kamay sa balikat ko at ang paningin niya sa mga mata ko. "Shete ETHAN! Wag ka ngang magulo!" sigaw niya habang sakin parin nakatingin.

"Matamis na, malagkit pa! Kainggit naman kayong dalawa!" boses ni Issa. Magkasabay pala silang dumating at ngayon ginagambala nila kami. I shrugged it off. Sanay na ko sa dalawang yan. Pero si Cynth, hindi. Sobrang distracted yung mukha niya ngayon.

"Wala pa bang nanlalambot diyan? Di pa kayo natutunaw?" boses parin ni Issa and she seemed giggling.

"Kulang nalang talaga ... SMOOCH!" si Ethan, siguradong may action pa siyang ginawa nung sinabi niya yung last word niya. Sayang di ko nakita. You know where my eyes were fixed.

"Paano mangyayari yun eh dumating kayo?" sagot ko, my eyes directed at Cynth.

"Oo nga no. Kelangan ba naming umalis muna?"

"Shunga! Game kaya to! Pag ako natalo, humanda kayo sakin!" banta niya kina Ethan subalit  parang ako ang binagbabantaan niya dun sa talas ng kanyang mga mata.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon