AMPOGI NI LELOUCH!!! x'''D Yan ang lagi kong sinasabi sa tuwing makikita ko ang wallpaper ng aking phone. Hihihi. :3 Kahit hindi niyo ako mahal, love na love ko parin kayong lahat ng sumusuporta sa kwento na pinagpupuyatan ko. DAISUKI!!!!! {{neko hiraite}}
Previously: Tumayo siya (si Miss Crush a.k.a. Venus) mula sa kanyang kinauupuan and she grabbed my right hand with both of hers. Lalo kong kinagulat ang sunod niyang sinabi with an excited face... "Cynthia? Cynthia Myoneal? Oh my God! Sabi ko na nga ba ikaw yan!"
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
SHOT 32: Reminiscent Encounter
Natigilan ako sa kanyang tinuran at inasta. She just called me in my full name? With excitement plastered on her beautiful face? How the heck did she know me? Does it means may fan pala ako? But no. There is something weird about it, and about her. Sa totoo lang, para talagang pamilyar siya sakin. Think Cynthia. Saan bang lupalop ng mundo mo naiwanan ang memory mo? Balikan mo muna oh! Do you know her? Ugh!
"Kilala mo ko?" I asked her. Hindi ko talaga maisip kung papaano, kung bakit at kung sino siya. Sirit na talaga.
"Haha! Grabe ka. Cynthia, Cynthia ... Di mo na ko kilala? Haiss." Umiiling-iling siya na parang nagtatampo.
"Eh ... Hindi. Sorry?" I'm so unsure. God of Mango Shake! Tell me who she is!
"Hindi ka parin nagbabago. Photographer ka na pala! Parang noon lang. Hilig mo talaga yan." God, this is confusing. Pa-suspense naman tong si Venus. Tell me who you are na kasi!
Nagkunot na ang noo ko, "Ah ... ano ... paano mo nalaman?" Eto na ang aking puting bandila. Kumakaway-kaway na.
She smiled, yung sobrang laki, "Ako to! Ako si Astrid yung kaklase mo noong third year high school pa tayo! Sa Autumn Strike College. Grabe ka Miss President! Di mo na ko tanda?"
Isang malaking singhap na abot hanggang outer space ang pinakawalan ko. Astrid? You mean Astrid Quinstar? Oh God! Siya nga! Kilala pa niya ako at tanda pa niya na ako yung Class President nung third year pa kami.
"ASTRID!!! Shemay, di kita nakilala! Kaya pala parang pamilyar ka eh!" Masaya kong tugon sa kanya. Bakit nga ba hindi ko napansin agad? Si Astrid, siya yung pinaka-artistahin kong kaklase nung high school. Sinampal ko ang sarili ko sa aking isipan dahil hindi ko ito napansin kaagad.
"Wow. Reunion ba ito? Pa-join naman mga vaklah! Di ka pa tapos ayusan oh!" pag-awat samin ni Vanessa. Tss. Panira oh. Natatatalon-talon na kami dito tapos ... Aisht!
Pinagpatuloy na ni Vanessa vaklalush ang hairdo ni Astrid.
"Cynthia, magkwento ka sakin mamaya ha! Di ko talaga inaasahan na makikita kita ulit!" sabi niya habang sa salamin nakatingin.
"Ako rin no! Akalain mo, model ka na pala. Buti pinayagan ka ng mga kuya mong pasaway." May tatlong kuya si Astrid. Yung dalawang mas bata, identical twins. Si Astrid ang bunso at kaisa-isang babae. Pare-pareho silang malalakas ang dating. Hehe. Share lang.
"Oo eh. Bantay sarado parin nga ako hanggang ngayon."
"Siguro lalo ngayon! Di ko sila masisisi."
Naputol na ang usapan namin nung natapos na siyang ayusan ni Vanessa. Nude lipstick, hot metallic eye makeup, big curls. Nagpaalam siya para magbihis muna. And heaven, she looks like a real goddess plus her ruby red wardrobe that literally hugs to her curves.
Naging maayos ng daloy ng photo shoot. Madali siyang katrabaho. Kapag may suggestions ako sa pose niya, sinusunod niya agad, hindi siya naiinsulto. Wala rin siyang reklamo.
BINABASA MO ANG
Capturing My Heart ♥
Chick-Lit[ON-GOING OFFICE ROMANCE] Pathetic bang maituturing if I'll wait for the guy I like? Walang communication, walang news, ni anino, wala. Sa pictures ko nalang siya nakikita. Either way, I miss him so much. But ... what if sa hindi ko inaasahan ... m...