SHOT20: Yesterday's Events

289 10 6
                                    

SHOT 20: Yesterday's Events

ALTO'S POV

Umaga na naman kaya nandito ulit ako sa office. Apat palang kami dito. Yung isa wala pa. Maybe you didn't know them yet so let me introduce...

Si Issa, the rose among the thorns, ah hindi, thorns ba kami? Puro kami lalaki dito siya lang ang hindi. She's nice, lively, at siya yung laging unang bumabati sakin. She's 23 years old. Tama, she's older, pero young at heart parin.

Tapos yung tatlo pa. Sina Aaron, Shin at Ethan. Pare-pareho silang wild, si Shin lang ang medyo may pagkaseryoso, at composed lagi.

Bro ang tawag sakin nung dalawa, si Aaron lang naiba. Madalas pare ang tawag nun sakin, pero pinapaltan rin niya ng bro pag naiinis ako sa kanya. So if he started calling me bro that means it's either may kailangan siya sakin o may kasalanan siya sakin. Siya din yung pinakamaingay at pinakamakulit dito, sunod si Ethan, pero lahat naman sila makukulit. He's older than me, 25, and he's also the oldest in our group. Si Shin ang pinakabata.

Tapos si Ethan, siya yung may habit na laging kahulihan dumadating sa office. Hanggang ngayon nga wala pa siya. Pag yun pumasok ng maaga ... no, imposible, siguradong milagro yun. Si Ethan pa! Expert sa pagiging late.

At ako naman, madalas naka-hot seat pag nagkasama-sama yung apat. Nung bagu-bago pa daw si Issa, siya lagi tapos ngayon ako na.

"Morning!" Si Ethan dumating narin. Ayan, kumpleto na ulit yung trio.

"Aga mo ah,"  sabi ko to acknowledge his arrival.

"Kanina pa ako dumating, nag-breakfast lang saglit." He went to his seat tapos nilapag niya yung gamit niya at naupo na.

"Guess what, Bro? May ikukwento kami sayo!" panimula ni Ethan.

Dadaldalin na naman ako neto agang-aga, "Oh, ano yun?"

He made a smile, yung nakakaloko, "Na-interview namin si labs mo kahapon nung lunch. Sayang wala ka don."

"Oy, anong interview?!" I suddenly leaned forward, katapat ko kasi tong desk ni Ethan.

"Hehe. Sabi ko na nga ba interesado kang marinig."

Sumandal ulit ako sa upuan ko, "Baka kung anu-anong sinabi niyo dun ha."

"Hindi ah. Nangtanung-tanong lang," sabat ni Shin.

Aaron folded his arms then shook his head, "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nahihirapan kang pumorma dun, masyadong patay malisya yung labs mo pare." Hmm. Agreed.

"Ano ba kasi yun? Sabihin niyo na nga," sabi ko sa kanila.

"Tama, sabihin niyo na. Gusto ko ring marinig." So hindi pala alam ni Issa.

Tong tatlong to. Nawala lang ako, kung ano nang ginawa.

Ethan cleared his throat, "We asked her kung ano'ng type niya sa lalaki, ilan na nagiging boyfriend niya, kung bakit wala siyang boyfriend, yung mga ganong bagay."

Ikinagulat ko ang sinabi niya.

"Ayos ah. Anong sagot niya?" tanong ni Issa.

"Hindi nga siya makasagot. Iwas siya sa ganong topic eh. Kinailangan pa namin siyang pilitin."  Pinilit nila si Cynth? Tsss.

Shin nodded, "Gusto daw niya sa lalaki yung matangkad sa kanya, tapos mabait rin saka responsable."

"Oy, pasok ka diyan pre! Siguradong type karin ni labs mo!"

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon