SHOT25: Rush Hour - Part 2

248 9 5
                                    

Dedicated to oriannatiffania. Thanks for adding CMH to your RL! Hope you enjoy!! xD

= = = = = = = = = = =

SHOT 25: Rush Hour - Part 2

I decided to wait for him nalang dito sa lobby. Hinintay niya ko kaya hintayin ko nalang rin siya.

Maya-maya lang may isa pang humahangos sa pagtakbo para makapag log in.

"Ay putek. Na-late pa ng 1 minute!" bulyaw niya sa machine. He made a sigh tapos napalingon siya sakin. "Cynthia! Ikaw pala yan!"  Oh ngayon masaya ka na?

Nilapitan niya ko habang nakangisi, "Hindi mo kasabay si Alto?" Ay sya! Kakaiba pag di ko siya kasabay?

"Ah ... nagpapark lang," sagot ko.

"Kaya pala. Sige ha, kain lang ako saglit!"  paalam niya tapos iniwan na ako. Late na nga di parin nagbe-breakfast?

I blinked.

Nga pala. Ako din. Gusto ko ring kumain! Parang gusto ko siyang sundan. Awww my poor little stomach. Hinihimas ko lang siya nung dumating si Alto.

"Wow. Hinintay mo pala ako."

"Oo. Hinintay mo rin ako eh. Sobrang bilis mong magpatakbo. Kinabahan talaga ako kanina ng sobra-sobra," pag-amin ko, kaso tinawanan pa ko?

"Hehe. Kaya pala ang higpit ng yakap mo sakin kanina."

Ow ... my ... golly gosh! He's teasing me!?

"Oy hindi ah! Anong mahigpit ka jan? Muka mo!" depensa ko.

"Higpit kaya. Hanggang ngayon nga ramdam parin ng katawan ko yung yakap mo," sabi niya na may nakakalokong ngiti.

Gaaah. Masyado ba talagang mahigpit?

"BALIW! Kasalanan mo yun eh! Feeling ko nga naiwanan ko yung buong pagkatao ko dun sa motor mo! Kainis to!" sabi ko then I pouted.

"Edi ... balikan mo nalang mamaya pag uwi natin."

"Nakuuuuu. Balikan daw. Wag na! Gusto mo lang iangkas ako ulit no?"

Inirapan ko siya. Nagsimula na kaming maglakad patungong elevator. Pagdating namin sa tapat ng elevator saka ako tumigil saglit. Hinarap ko siya at tinanong, "Bat nga pala hinintay mo pa ko? Hindi ka ba takot ma-late?"

Natigilan siya sa tanong ko.

"Uhm ... eh ... ewan. Siguro dahil sa sinabi mo sakin kagabi," siya na naka-shrug.

"Ha? Anong sinabi ko?" ako na nakakunot ang noo.

"Di ba sabi mo ... I need to capture the heart of the girl that I like."

Those words astonished me. Kahit sakin rin nanggaling yon. Pero hindi ko talaga sinasadyang sabihin yon eh. Ano nga bang pumasok sa utak kong 'to at nasabi ko yon sa kanya? 

Siguro ... dala lang ng pagkataranta ko kagabi nung tumawag siya.

"S-sigurado ka bang seseryosohin mo yun?" tanong ko.

Bigla niyang pinisil yung pisngi ko.

"Matagal ko nang ginagawa yun no! Di lang niya pansin."

"Aray ko naman!" reklamo ko sabay layo sa kanya.

"At least ngayon ... alam na niya,"  sabi niya parin.

"Kung ganon, desidido ka talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?"

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon