SHOT24: Rush Hour

226 9 3
                                    

SHOT 24: Rush Hour

Kanina pa. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko. Kanina parin may tumatakbo sa utak ko. Kung imulat ko man ang mata ko, sobrang dilim. Wala akong makita. Niyakap ko nalang ng mas mahigpit tong malambot na unan na kanina ko parin niyayakap.

Hindi talaga ako makatulog. Kinapa ko ang gilid ng kama ko where my desk is. I'm looking for my phone.

Kapa. Kapa parin. Ayun. Nakapa ko na. Pinindot ko yung phone tapos umilaw ito.

Nakakasilaw. Masakit sa mata. Pinilit ko paring tingnan yung screen kahit nasisilaw ako. And what I saw made me groan.

4:02 AM.  Arggg!!!! Ang aga kong nahiga pero hanggang ngayon, mulat parin. Hindi ko na nga pinagpatuloy yung lintek na article na yun. Siguradong bangag ako nito bukas!

Hindi ko maialis ito sa utak ko. Dami kasing nangyari kanina, este ... kahapon pala. Una si Denise. Hindi kami kinausap buong araw. Then nung hapon saka siya nagsalita sakin. Tapos si Alto. Si Alto ...

Siya ang dahilan ng lahat ng to eh! Kasalanan niya! Curse him!!!

"Akala ko ire-reject mo ko ulit. Sige Cynth. I'll accept your challenge."

Sino ba me sabi na challenge yon? Alto, baby, wag kang assuming!!! Aist 'baby' daw? Wag kang ganyan Cynthia!

Sabay sapok sa sariling ulo. Erase. Erase. Wala akong sinabi.

"Pumapayag ka na. You are allowing me to start capturing her heart."

Tama na kasi. Ayoko na. GUSTO KO NANG MATULOG!!!! FOR HEAVEN'S SAKE! GET OFF MY HEAD, ALTO!!! Please lang magpatulog ka!!!

– 0 – 0 – 0 – 0 – 0 – 0 – 0 – 0 – 0 –

Nangyari kinabukasan ang isang bagay, or should I say isang krisis, na pinaka-hindi ko ginustong mangyari. And guess what?

Tinanghali ako ng gising! Anong oras na? Sh*t!

8:10 AM.

Hindi pwedeeeeeee! 9:00 AM ang pasok ko eh! Ang layo pa ng office, 45 minutes ang biyahe. KAASHAR OH!!!

Ngayon lalo akong nagpanic. I took my clothes, kelangan ko pang maligo. Kalimutan ko nang lahat wag lang yon! xD Jokes.

My phone suddenly started ringing. Sasagutin ko pa? Istorbo naman toh! I grabbed it kahit labag sa kalooban ko. Tiningnan ko kung sino ang caller.

Si Alto? Sinasabay nga pala ako neto. I answered the call habang papunta sa bathroom. Bakit kasi walang liguan dito sa second floor?!

... Phone call ...

Alto:    Cynth, tapos ka na? Papunta na ko diyan.

Me:    Una ka na Alto. Tinanghali ako ng gising eh. Kagigising ko lang!

Alto:    Ha? Sige lang. Hihintayin kita.

Me:    Wag na nga! Male-late ako, promise! Wag na nang makulit, umuna ka na! Wag mo na kong hintayin, OKAY???

... End of phone call ...

Binaba ko na agad. Hindi ko na siya pinagsalita. Nilapag ko yung phone sa dining table at diretso ligo sa bath room. Pandalas na ng kuskos ng katawan tapos banlaw. Nagbihis narin ako agad pagkatapos. Breakfast? Sige mamaya nalang. I don't have the time! Na-insomnia pa kasi kagabi!!!

I grabbed my bag. Si Cammy? Don't worry nasa bag parin siya. Di ko siya ginalaw kagabi. Yung flash drive ko? It's in place. I have no rights to forget it baka mapauwi pa ko ng di oras kung sakali.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon