SHOT35: Bouquet of Red and White - Part 2

201 8 2
                                    

Wala sanang mawindang sa chapter na to. Peace? xD Anyways, may new story ako entitled The Worlds that Collide. Kung trip niyo, try niyo lang, libre yan. Tungkol sa isang rebeldeng anak and he's having a mysterious, dangerous, and perhaps a romantic journey to the peak of the highest mountain. Expect to see Ryuk, Rin Kagamine, the Avengers and the Mythical Norse Heroes. Haha. Choz!  {{neko hiraite}}

SHOT 35: Bouquet of Red and White - Part 2

ALTO'S POV

Ilang minuto ang nakalipas nang bumukas muli ang pinto dito sa office. "MORNING!!!" Sobra talaga kung mambulabog itong si Ethan. I looked at my watch. Wala pang 9 o'clock. Napataas ng bahagya ang kilay ko.

"Ayos ah. Hindi ka late?" tanong ko habang binabagtas niya ang kanyang upuan.

"Woy! Grabe ka Bro! Hindi ako laging late," depensa niya sabay upo.

"Nasermonan yan ni Sir kahapon. Haha! Pasaway kasi. Isa nalang tanggal ka na tol!" singit ni Aaron.  Pasalamat siya at may sermon pa siya, yung iba sudden kill talaga. Walang sabi-sabi, tanggal kung tanggal.

Umiling si Ethan. "Hindi ah. Close kaya kami ni Sir. Ganto oh, as in SUPER CLOSE!" sinabi niya habang pinagdidikit ang dalawa niyang hintuturo. "Saka ... dumating na yung Ate ko. Siya lang may kotse samin kaya ayun, hindi ako commute. Hindi kami mayaman gaya ni Bro!" he pointed at me. Mayaman pala ang tingin nila sakin.

"Oo nga. Nakailang kotse ka na ba Pre? Dalawa? Tatlo? Apat?"

"Isa ...," sagot ko.

"Maniwala sayo! May isa ka pa noon! Yung poging Audi, kainggit nga eh. Ginto ata presyo nun. Nasan na ba yun?" Naalala pa nila yung kotse ko noong sa Main Office pa ako nagtatrabaho. Madalas kasi akong dumadaan dito sa branch na to, nauutusan ako ng mga Boss doon kasi nga dito ang ruta ko lagi, parang messenger at delivery boy. Madalas din nila akong nakikita noon pa man.

"Hindi yun sakin. Wala na yun. Bumalik na sa may-ari," kaila ko.

"Mama mo o Papa mo? Sayo kaya yun pre. Kinakaila mo pa. For all we know, may collection ka sa inyo ng mga dream cars. Ang YAMAN nga naman ng mga Escavari."  Sweat drop. Masyadong mapilit itong si Aaron. Wala na yung kotseng yun. Nasira kasi to the point na hindi na maaaring ayusin. Tragic nga. Nanghinayang ako ng sobra.

It was my first car, Audi R8 5.2 na kulay dirty silver. Maraming naiinggit don. Pinagtitinginan din tapos kinukuhanan pa ng pictures na parang artista. Ingat na ingat ako dun kasi nga mamahalin. Ngunit isang araw ay may nangyaring hindi maganda.

Nanggaling ako noon sa field, dahil sa proyektong hawak ko noon bilang isang investigatory journalist. Maselan ang kaso at kailangan ng ibayong pag-iingat. Ngunit hindi pala sapat ang pag-iingat ko.

Bumalik ako sa Main Office at bumaba ng kotse saglit. Hindi ko na ibinilin sa valet para i-park kasi aalis rin ako kaagad. Nasa tapat palang ako ng reception desk nang may marinig akong isang malakas na dagundong. Agad sumunod ang mga sigawan at takbuhan. There was a panic in the vicinity, at nanggaling ito sa labas. Nakitakbo ako palabas at bumungad sakin ang isang malaking apoy. Nagliliyab. And that sight made me throb. May dumating na guard at may dala itong fire extinguisher.

"Hala ... Anong nangyari?"

"Grabe ... Nakakatakot naman."

Nakatingin lang ako sa nagliliyab na bagay. May mga tanong rin na naglaro sa aking isipan: Sino ang may gawa? At bakit?

Isa pang guwardia ang lumapit sakin. "Mr. Escavari, kung tama kami ... kayo ang may-ari ng kotse?"

Tumango ako at lumingon muli sa aking sasakyan. Wala na. To think of it, isang buwan palang siguro yun mula nung binili. Tsk. Ipagluluksa ko talaga to.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon