"Ang KAGANDAHAN ay hindi nakikita sa panlabas na anyo. Nakikita ito paglabas ko ng pinto!" - - - Ansabeeee?! Galing sa text message. xP
SHOT 34: Bouquet of Red and White
ALTO'S POV
Hindi ko inaasahan ang biglaang importanteng misyon na ibinigay sa akin kahapon lang. I needed to cover a case, a story. I needed to find out every littlest bit of information about it. Even espionage might be a necessity. Hindi naman ito mahirap. In fact, I've been used to this. Sa Main Office, ito madalas ang trabaho ko. They have been giving me these kinds of projects since they trusted my skills. Ako naman, tatanggapin ko lang yun ng tatanggapin, mapanganib man at delikado. Noon kasi, mga malalaking tao ang kino-cover ko. Either negosyante, pulitiko o pulisya. Astig nga eh, para akong detective. Kaso minsan ay muntikan nang malagay sa alanganin ang sarili kong buhay. My Mom started to prevent me from accepting those kinds of projects since then.
At ngayon, mas simpleng bagay lang ito. Yakang yaka! No need to worry and to put my life at risk. Expert na ako dito eh.
Ni-review kong muli ang ibinigay sa aking mga dokumento tungkol dito. Nabasa ko na ito kahapon kaya easy na lang ngayon. I'm just skimming and scanning the papers, hanggang sa maisipan kong isara na ulit ang folders sa aking kamay.
Sayang. Hindi ko nakita si Cynth ngayong araw. Kung kailan nagiging maayos na ang panliligaw ko sa kanya, saka kami pinaglalayo. Ni hindi pa ako nakikilala ng parents niya. Tss.
CYNTHIA'S POV
Ngayon naalala na ng katawan ko kung paano umupo. I was still startled about the mysterious bouquet atop my desk. Sino ba naman ang hindi maguguluhan?
Tinitigan ko lang ito. Natatakot akong hawakan. Baka may bumulagang kung ano at atakihin pa ako sa puso. Prank kaya ito? Naku-curious na ako kung kanino galing ang roses. Hindi kaya kay Alto? Siguro. Siya lang ang kilala kong may dahilan para magbigay ng ganito sa akin. Errm ... feelingera ko ba? Hinanap ko kung may nakalagay na tag doon at napansin kong mayroon nga. I unfolded it at nakita ko ang nakasulat:
Cynthia,
Salamat ulit ha? I hope to see you again.
- WC
"WC?" I muttered confusedly. Kumunot ang noo ko. Ano'ng WC? Pero malamang, initials ng nagbigay. Kaso hindi WC ang initials ni Alto kundi AE. At isa pa, Cynth ang tawag nun sakin. So definitely, hindi nga si Alto. Tsk tsk. Pwede na kong detective!
Carl spoke, "Sino si WC? Ikaw Cynthia, nawala ka lang may bago ka na agad suitor. Ma-chicks ka pala ha."
Namula ako sa sinabi ni Carl. Suitor na WC?! "Nakita mo siya?"
"Nandiyan na yan bago pa ako dumating. Kapag nakita ni Alto yan, panigurado magseselos yun." Pangasar naman itong si Carl oh! Bakit magseselos yun?
I looked at the tag again and stared at the words printed on it: 'Salamat ulit ha? I hope to see you again. WC.'
May isang pangalan ang biglaang nagtres-pass sa utak ko. Si William? Tama! Si William nga siguro si WC. Talino ko talaga pre!
Kinabahan ako sa naisip ko. Why on earth would he ever give me a bouquet? He couldn't be interested with me! No way. Imposible yun. Isa pa, crush siya ni Astrid. To think of it, ni hindi pa nga siya nagti-text ni isa mula nung kinuha niya ang calling card ko.
Naging buzzer para sa akin ng pagtunog ng aking phone. Istorbo naman dini oh. Kinalkal ko yun mula sa aking bag. May tumatawag na unknown number. I sighed before I answered it. At nagsalita yung nasa kabilang linya pagkasabi ko ng "Hello?"
BINABASA MO ANG
Capturing My Heart ♥
ChickLit[ON-GOING OFFICE ROMANCE] Pathetic bang maituturing if I'll wait for the guy I like? Walang communication, walang news, ni anino, wala. Sa pictures ko nalang siya nakikita. Either way, I miss him so much. But ... what if sa hindi ko inaasahan ... m...