Di parin ako maka-get over na naisip kong ending nito. I promise it's nothing like what you will expect. And I guess I won't be changing my mind even if you guys start to complain about it. Matagal pa, wag excited. xD Arigatou! {{neko hiraite}}
SHOT 31: A Model Impression
Buhay na buhay at puno ng enerhiya akong pumasok ulit kinabukasan. Gaya ng nakaugalian, sinabay ulit ako ng masugid kong tsuper. "Mukhang ayos ka na Cynth, mabuti ...."
"Naman! Ako pa!" pagmamayabang ko. Nakasanayan ko na na sinasabay niya ako. It felt so normal. Di gaya dati na tinataguan ko pa siya. But hey! That didn't prove anything. Komportable lang kasi. Yung lang.
"Alto ... may photo ka na para sa third round?" bigla kong natanong habang papasok sa elevator ng building.
He pushed the elevator's button. "I'm still gonna work for it on Sunday," kalmado niyang sabi.
"Wow. May Sunday ka pa ha? Gusto mo talaga yung tipong gagawa lang pag pasahan na?" sabi ko. Gawain ko yun dati.
"Ayos na yun. Planado ko na rin kasi. Ikaw Cynth?" tanong niya. Sabi ko naman sayo diba? Effortless lagi tong taong to.
Ngumisi ako sa kanya, "Meron na! Pero mamayang gabi ko pa aayusin. Natulog na ko ng maaga kagabi."
"Mukha nga. Di ka na nag-online eh," he smiled back. Nalilito ako kung bakit niya alam. Lagi ba siyang online pero naka-off lang sa chat? Or maybe he was still stalking me?! Woooh. ASA!
"Isa-submit ko na yun bukas. Di ako makakapasok ng Lunes eh. Naalala mo yung pinapunta ako sa giant humungous Main Office? Sa Lunes na yung photo shoot nun! One and a half day!" I told him about it. Ayokong mag-asam siya na may kasabay siya sa Lunes. Kilala ko na to eh. Tsk.
Akala ko magugulat siya pero hinarap niya ako at ngumiti, "Good luck sayo. Mayroon ka na ulit ibang ii-impress ah." He sounded truthful to his words. Did that mean he's also impressed with me? As in The Great Alto Escavari?! Naks! Bumi-big time ako!
"Wow ha? Kasama ka ba sa nai-impress ko?" I smiled at him goofily after a wink. Niloloko ko lang siya.
He chuckled. O diba? Natawa siya sa joke ko! "Oo naman. You never fail to impress me, Cynth."
Nanlaki ang mata ko at ... the hell, feeling ko namula ang mukha ko dun. Mas magaling siyang magbiro sakin! Ano pa bang inaasahan ko? Si Alto yan. He's always better than me in almost everything. Hmph!
"Cynth! Sersoyo ako!" medyo malakas na sabi niya dahil totoo namang iniwanan ko na siya at di na ko nagsalita sa banat niya kanina. Wala akong panalo dito.
Walang masyadong nangyari hanggang maghapon. Normal na mga bagay lang. Trabaho. Type sa computer. Chismisan. Kain. Boring no?
Kinagabihan ko sinimulang ayusin ang photo na kinuha ko kahapon sa Subi Bucks. With the aid of a card reader, isinalampak ko ang aking butihing memory card sa lap top. Ini-open ko ito agad sa Photoshop pero naisipan kong balikan muli sa photo viewer. Medyo naglo-loading ng mga three seconds kasi may kalakihan yung photo na parang skyscraper lang. Twenty four megapixels kasi si Cammy kaya bumu-bongga din sa lag.
I gazed at the photo. Sobrang poise si Miss Crush habang palabas ng café on her side view. Andun rin yung doorman with his amused face saka yung kasama niyang lalaki. Ano kayang gagawin kong pag-e-edit dito? Ayos na ito as it is but I still have to make some tricks with it. Yung mga judge kasi mangha sa mga ganun.
Maraming naglalaro sa utak ko. Tuma-tumbling at nagka-cart wheel pa nga yung mga tricks na naiisip ko. Sinubukan ko ding mag-fusion ng mga tricks sa utak ko na pwede kong subukan. Eventually, a smirk formed in my lips. Try ko lang. Wala namang masama diba? Use your resources. Binalikan ko yung isa pang photo niya na kinuha ko, yung wala sa focus, yung slightly blurred.
BINABASA MO ANG
Capturing My Heart ♥
Chick-Lit[ON-GOING OFFICE ROMANCE] Pathetic bang maituturing if I'll wait for the guy I like? Walang communication, walang news, ni anino, wala. Sa pictures ko nalang siya nakikita. Either way, I miss him so much. But ... what if sa hindi ko inaasahan ... m...