SHOT45: A Queasy Sunrise

175 6 2
                                    

Ambagal ng updates. Sorry pooooo. But even if you lost interest due to the super long duration of your wait, I'll still continue writing this. It's a promise. I'm already having my first job and it's taking all my time. Anyways, thank you for waiting! Hira-chan loves you all!

++ hiraite ++
_____________________________

SHOT 45: A Queasy Sunrise

ALTO'S POV

I woke up to a very comfortable bed. But no matter how comfortable it was, it couldn't relieve the stingy feel rotating right inside my head, coursing its way through my nervous system. Pakiramdam ko ay naumpog ako ng ilang beses kagabi kaya ako nawalan ng malay.

I tried to gather my vision together. Saka ako may napansin na kakaibang bagay. For heaven's sake, may isang anghel na mahimbing na natutulog sa tabi ko ngayon. Ang mas matindi pa dito, nakaharap siya sakin habang tahimik siyang nakahiga. Even if my back was against the bed, I was craning my neck at her. Gustuhin ko mang tuluyang humarap sa kanya kaso ...

There was a big possibility that I might wake her up, lalo na't napansin ko rin na ang isa niyang braso ay nakayakap sa katawan ko. I couldn't handle moving since I didn't know kung sensitibo ba siya kapag natutulog, yung tipong konting ingay o galaw lang ay magigising na siya kaagad. All I could do was to swallow. Isipin mo naman, ang babaeng pinakagusto ko sa lahat ay nasa tabi ko ngayon, hugging me while she was unconscious, like we were a real married couple.  Hindi ko maiwasang tumingin sa mukha niya at ma-temp. Darn it, why was she this tempting? Baka hindi ko mapigilan.

Napansin ko rin na suot ko pa ang aking wrist watch at naisipan kong alamin kung ano'ng oras na. Ika-lima ng umaga. I could still continue my sleep. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang imikot patalikod sa kanya. To my relief, hindi nga siya nagising.

Muli akong binalikan ng malay pagkatapos ng halos dalawang oras. Nakakatuwang isipin na hanggang ngayon ay nakabalot parin ang braso niya sakin, ni hindi manlang siya nagbago ng posisyon. I could even feel her warm breath against my back. Ang ibig bang sabihin ... medyo lumapit pa siya sakin kanina?

Saka ko lang naalala ang kanyang kondisyon kahapon na kabaligtaran ng sa ngayon. Not this peaceful, and definitely, not someone who would hug me like this. Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung may mukha pa akong ihaharap. Malamang, wala.

I finally glanced around. Hindi ko naisipang gawin ito kanina. I realized we were inside a hotel room, katulad ng room nung mga taga main office. Sh*t. Naalala ko narin ang nangyari kagabi. I effin got drunk. And I told them I would only be taking two shots. Anong nangyari na sa two shots ko? Tss. Masyado akong nadala sa pag-inom kasama yung apat. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon ni Cynth sa kwartong ito. Walang magda-drive pauwi. Stupid me. Lalong malaki pa yata ang kasalanan ko sa kanya.

I gently grabbed her hand to carefully unwrap her from me. Baka galit parin siya sakin at hindi nya ito magugustuhan. Kaso nga lang ...

She suddenly made a light moan and her hand moved. Pahilim akong nag-panic at hindi ko na naituloy ang plano kong pag-ipod sa kamay niya mula sa katawan ko. H-hey ... did I seriously wake her up?!

Naramdaman ko ang saglit niyang pagtigil. I wasn't sure why. Baka nakatulog lang siya ulit. But no. I kinda felt her hand stiffened. Shete. Hawak ko nga pala ang kamay niya ngayon!

"KYAAAAH~!!!"

Mabilis siyang kumalas sakin at mukhang malayo rin ang idinistansya niya. I was right, she had woken up. I tried to stay unconscious. Or better say, nanatili akong nagtutulug-tulugan kahit hindi ko mapigilang ngumisi sa naging reaksyon niya. Too good it was my back facing her.

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon