SHOT7: Strolling in the Deep - Part 2

362 15 9
                                    

SHOT 7: Strolling in the Deep - Part 2

dubdub    dubdub    dubdub

Nooooo .... please .... don't! Bigla kasi siyang ... sumakay kay Horsie ...

Habang nakasakay pa ako.

And he's at my back.

Kumapit siya dun sa kinakapitan kong tali. Eh, muntik na niyang mahawakan ang kamay ko. Kaso, he was like ... hugging me from my back narin, but without his hands around me.

I was sure that my face turned red.

dubdub   dubdub  ♥  dubdub

Oh God my heart! Please beat normally!

"Tara," he said, then he lightly kicked the horse's stomach. Naglakad na ulit si Horsie habang nakasakay kaming dalawa sa kanya.

"Yieeeee ...! Mukha silang couple!"  I heard somebody said, isa sa mga classmates namin.

"Anong couple ka jan, Beatrice?"  I glared at her. It's a short girl with short hair at ang laki ng ngisi niya samin. Haaay, eto kasing lalaking to eh pahamak.

"Ang tamis tamis!"  Isa pa tong si Flaurence kung makapangasar oh! Close friends kasi yang dalawang yan, kaya nagkakahawaan ng ugali.

Lumingon ako ng konti sa kanya, gusto ko na talaga kasing bumaba. Kaso ... paglingon ko, ang lapit niya sakin, kaya I looked away all of a sudden.

"Bakit, Cynthia?" tanong niya.

"Kasi ... Earl, gusto ko nang bumaba," pag-amin ko.

"Mamaya na, i-experience mo muna siyang tumakbo," he said coolly. Dahilan para mapatungo ako.

Ano daw? Patatakbuhin niya??!  Mama ko!!!

I leaned forward, halata bang takot ako?

"Baka naman mahulog ako niyan," sabi ko sa kanya. Tensed yung boses ko pero ayokong ipahalata yun.

"Hindi yan," he said with an assured tone. "Saka Cynthia, i-relax mo lang yung likod mo, you're leaning forward."

"O-okay ...," sabi ko na pautal. Bigla kong tinuwid yung upo ko kay Horsie bilang pagsunod sa instruction ng magaling kong 'guro' kaso ...

Bigla akong napalunok. At sigurado akong namula pa lalo ang tensed kong mukha. Bakit kamo?

Hindi ko sinasadyang napasandal ako sa kanya! Goodness! I could now feel his strong muscles against my back. Para tuloy napalibutan ng mga exclamation point ang mukha ko.

"Ano, ready ka na? Wag kang matakot." Wag daw matakot, TOO LATE!

I was already scared!

"Se-seryoso ka ba talaga? Patatakbuhin mo siya?" I asked him with a trembling voice, my eyes downcast on my hands. Pinipilit ko ring itago ang namumula kong mukha sa aking maikling mapulang buhok. Iniisip ko tuloy kung nagka-camouflage na ba ang mukha ko kasi feeling ko, magkakulay na sila ngayon.

"Oo naman. Don't worry. Ako'ng bahala sayo," he assured. Kasi naman, wala akong takas dito eh!

buh-dumph    buh-dumph    buh-dumph

Oh these throbbing are soooo very uncontrollable. Naramdaman ko nalang na lumiko si Horsie. And ... he moved Horsie to the track.

Saglit lang!!! Seryoso nga siya!!!!? 

Capturing My Heart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon